**Cahriya's POV
Nakita ko ang pag-ngiti ni KJ dahil sa sinabi ko. Kinikilig 'to for sure. Si Lance naman ang sama ng tingin sa akin. Eto naman, nagseselos for sure. Napa-iling nalang ako sa observation ko sa dalawang 'to. Masyadong mahaba ang hair ko, mainggit kayo, please!
"Napaka-honest mo naman masyado, Riya." nakangising sagot ng conceited na si KJ.
Bigla namang tumayo si Lance at naglakad papunta sa pinto.
"Lance? San ka pupunta?" tanong ko.
"I wanted a fresh air. Maitim na ang usok sa kwarto mo e." seryoso pero sarcastic na sagot niya. Sumulyap lang siya sa huling beses at pagtapos ay lumabas na siya ng kwarto ko.
Si KJ naman, biglang naglabas ng malakas buntong hininga. Yung para bang nabunutan ng malaking tinik, yung parang sa wakas ay naka-hinga na siya. Ano kayang problema nito?
"Problema mo?" pang-uusisa ko.
"Riya, alam mo bang hiyang-hiya ako sa ginawa ko kay Lance. Ang sabi kasi sa akin ni Leslie ay talagang ginawa niya yun sayo. At talagang yun ang kumakalat na balita. Kaya nga napauwi ako agad dito dahil sa sobrang galit ko. Ang alam nila, uuwi ako dahil sa gang. Pero ikaw talaga ang rason kung bakit umuwi ako, Riya." pagsasalaysay niya.
Napatanga lang ako dahil sa sinabi niya. Tignan mo nga naman ang nagagawa ng maling akala at ng tsismis. Kawawa naman si KJ. Nabiktima na, todo pahiya pa kay Lance.
"Mag-sorry ka." simpleng sagot ko, "Alam kong mahirap gawin yun para sa inyong mga lalaki dahil napakalaki din ng ego niyo. Pero dapat, paminsan-minsan inaamin natin yung mali natin. Ikaw, ang mali mo, nagpadala ka agad sa feelings mo. Hindi mo muna inalam kung totoo ba lahat ng narinig mo o hindi. Diba kaibigan mo si Lance? Bestfriend mo pa nga siya, diba? Bakit hindi mo man lang siya tinanong ng maayos? Di ka pa rin nagbabago, KJ. Nangyari na sa atin yan noon diba? Nung panahon na iniwan mo ako para kay Leslie. Kasi akala mo, ako yung unang nanakit sa kanya, tapos akala mo pa may nangyari sa amin ni Lance dahil nakita mong hinatid niya ako at suot ko ang damit niya. Ngayon, sana natutunan mo na yung lesson mo. Alamin mo muna yung totoo bago ka gumawa ng desisyon."
Ang haba ng sinabi ko. Sana naman na-absorb niya lahat yun.
"Thank you, Riya. Kahit naman pala ganito yung nangyari, atleast may brighter side. Pinagsabihan mo ako. At ito yung sobrang na-miss ko sayo. Ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin. Ikaw lang yung taong kapag pinagsabihan ako, naliliwanagan ako, napapasunod ako at kahit masakit, nakakya kong tanggapin."
Ngumiti nanaman siya. Bakit nga ba ang gwapo niya ngayon? Nakaka-gwapo ba ang pagpunta sa U.S? E bakit si Lance? Hindi naman siya nagpunta dun pero lalo din siyang gumwapo. Baka naman dahil sa naging broken hearted sila? At bakit nga ba yun ang pumasok sa isip ko? Ni hindi ko man lang inabsorb yung sinabi ni KJ.
"Wala yun. Masaya naman ako na ganun pala ang epekto ng mga sinasabi ko sayo. Sana lang lahat ng tao kagaya mo. Yung pagkatapos kong magpaliwanag at ipaintindi yung totoo sa kanila, maniniwala na sila at tatanggapin ako. Well, I think ikaw nalang ang taong ganun sa akin ngayon." nakangiting sagot ko kay KJ. Nakangiti man ako, alam kong nakita niyang malungkot lang ang ngiti na yun.
"I'm not the only one, Riya. Si Lance. Tinanggap ka pa rin niya kahit sinaktan mo siya. Minahal ka pa rin niya. Hindi ka niya iniwan. Kahit na palihim, alam kong binabantayan ka niya. Ganun ka kamahal ni Lance. Di kagaya ng ginawa ko. Isang beses lang akong nasaktan, umalis na'ko. Hindi ko natupad yung promise ko.. sorry."
Mahigit isang taon na mula nung binali niya yung pangako niyang yun. Nangako siyang hindi niya ako iiwan kahit pa si Lance ang piliin ko, pero umalis pa rin siya. Kung hindi kaya siya umalis, magkakaroon kaya kami ng chance ni KJ? Magkakabalikan pa kaya kami ni Lance? Mangyayari kayang lahat ng 'to?
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
RandomIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...