**Cairah's POVTinawagan ko na si Kevin para makipagkita. Kailangan na naming mag-usap tungkol sa arranged marriage namin ni Agathus. Kahit hindi ako sigurado kung ano ang mga sasabihin ko, dapat pa rin kaming magkita. Dahil baka huli na 'to. Malapit ng dumating ang parents namin ni Riya. At sigurado akong hindi na ako magkakaroon pa ng oras para harapin siya.
"Cairah."
Dumating na siya. Dito kami nagkita sa coffee shop na pinagtrabahuhan ni Sarah dati.
"You're here."
"Anong importanteng pag-uusapan natin?" Tanong niya nang makalapit siya sa akin.
Paano ko ba sisimulan ang lahat? Pero kahit na ano sigurong sabihin ko iisa lang naman ang kalalabasan. Masasaktan at masasaktan ko siya.
"Order muna tayo?" Pangliligaw ko sa usapan naming dalawa. Ayoko munang simulan. Ayoko muna siyang saktan.
"Mas maganda siguro kung mag-usap na tayo ngayon. Ano ba yung sasabihin mo? Is it about the marriage?"
Natahimik ako dahil sa tanong niya. Alam niya. Of course alam niya kung tungkol saan ang usapan na 'to. Ilang araw na rin niya akong kinukulit tungkol dito pero ngayon lang ako nagdesisyon na makipag-usap sa kanya.
"Kevin, I don't know where to start."
"Start it right away. Sabihin mo na kung ano talagang sasabihin mo para hindi na tumagal 'to." Seryosong sabi niya.
Napayuko ako. Paano ko sasabihin?
"Magpapakasal ako kay Agathus. It's for my family's future."
Pinilit kong sabihin yon ng hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon. Mas magiging madali ito kung iisipin nalang niya na pinili ko ang family ko over him. Mas magiging madali na tanggapin niya ang sitwasyon na ako mismo ang pumili para sa amin.
"Bakit ang bilis mong mag-desisyon? Pinag-isipan mo bang mabuti yan?"
Tumango lang ako bilang sagot. Ayoko ng magpakita ng kahit anong emosyon. Maigi na yun para hindi niya isipin na ayaw ko rin ng desisyong ginawa ko.
"Kevin, hindi ako mag-aaksaya ng panahon na kausapin ka kung hindi ko 'to pinag-isipan ng mabuti. C'mon, we're old enough to think practically. Walang mangyayari sa atin kung palagi nalang puso ang paiiralin natin."
"You don't sound like Cairah right now. Anong nangyari? Bakit bigla ka nalang nagdesisyon ng ganyan? Hindi mo na ba ako mahal?"
Hindi ko siya matignan ng diretso. Natatakot ako na baka pag tinignan ko siya, mag-iba bigla ang sabihin ko. Baka biglang magbago ang isip ko kapag ginawa ko yun. Ayoko ng bawiin lahat. Ayoko ng may pagsisihan pa ako.
"Walang nangyari. I just realize that we should start to think and act as our age. Hindi na tayo teenager na kailangan pang maging rebelde sa magulang para lang ipaglaban ang relationship natin. We should know our priorities. And as of now, your not one of my priorities. So I'm sorry, but our relationship ends here."
Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin yun. Halos hindi ako huminga habang sinasabi ko iyon sa kanya. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makaalis na. Dahil kung magtatagal pa ako ng ilang minuto dito, baka bawiin ko na lahat ng sinabi ko.
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad paalis ng coffee shop pero hinarangan niya ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon.
Kevin, why are you doing this? Pinapahirapan mo ako..
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
De TodoIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...