Chapter 21: Issues and Agonies

2K 54 9
                                    

**Themarie's POV

 

"Young singer Fallah Gimena still denying relationship with the multi-billionaire heir of Verona group of companies."

"May nakakita daw sa dalawa na di umano'y sabay na pumasok sa condo unit ni Ms. Fallah Gimena. Bago ito ay nakita rin ang young singer na umiiyak sa isang kalsada at doon siya sinundo ng rumored boyfriend nito."

    Sa dyaryo, sa t.v at sa radyo. Iisang balita lang ang naririnig ko. Akala ko pa naman kapag nalaman niya yung tungkol sa baby namin, titigilan na niya si Fallah. Pero tinignan kaya niya yung laman ng envelope na binigay ko? Baka naman tinapon niya lang yon at ni hindi man lang pinag-aksayahan ng oras na tignan?

"Themarie, estas bien?" tanong ni Xena.

"I'm okay, Xena. Don't worry." 

   Si Xena at Lance lang ang nakakaalam na buntis ako. Ayoko nang sabihin pa sa iba dahil sigurado akong kakaawaan lang nila ako. Lalong ayokong malaman ng pulic na magkakaroon ng anak si Darius sa akin dahil paniguradong magiging kawawang-kawawa lang ang labas ko at baka tawagin pa akong kontrabida sa love story nila ni Fallah.

  Tumayo si Xena at naglakad papunta sa pintuan. May nag-doorbell kasi. Malaki na rin ang pasasalamat ko kasi may nakakasama ako. Madalas din kasing sumasakit ang tyan ko at buong katawan ko. Ang hirap magbuuntis ng mag-isa.. Nakaka-depress.

"Themarie.. si ano..."

Tinignan ko si Xena. Parang di pa siya sigurado kung sasabihin ba niya kung sino yung dumating o hindi. Napakunot ako ng noo at tumayo. Lalapit sana ako sakanya pero napaatras ako ng makita si Darius sa likuran niya.

"What are you doing here?" gulat na tanong ko. Hindi ko inaasahang makita siya ngayon. At hindi ko na inaasahan pang makita siya, ever.

"I'm sorry.. Babe, I'm really really sorry.." 

  Lumapit siya sa akin. Umiiyak siya. Niyakap niya ako mahigpit at paulit-ulit siyang nagso-sorry. Gusto ko siyang itulak pero iba ang ginawa ng mga kamay ko. Niyakap ko rin siya, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"I did not intend to hurt you over and over again. It was an accident. I was about to follow you, but I saw her in the streets. She's crying and my conscience wouldn't let me go. I swear, Babe. I do swear, there's nothing going on between me and Fallah. The news about us are all lies. I swear."

   Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naniniwala ako sa kanya. Alam kong sincere siya sa mga sinasabi niya. Ayoko ring sisihin si Fallah, dahil alam ko namang wala siyang ginawa.

"It's ok, Babe. It's alright." humiwalay akosa yakap niya, "Aaminin ko. Nasaktan ako. Sobrang nasaktan talaga ako lalo na nang makita ko ulit kayo sa news na magkasama. I thought pinagpalit mo na talaga ako sa kanya. I thought wala kang pakialam kahit na..kahit na.." hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa paghikbi ko. 

   Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo. Lumuhod siya sa harap ko katapat ng tyan ko. Itinapat niya ang tenga niya sa tyan ko.

"Baby? Can you hear me? It's me. I'm your dad. I can't wait to see you. I promise, I won't let your mom cry again." 

   Umupo ako at hinawakan ang mga kamay. Nakaluhod pa rin siya ng tignan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpatawad ng ganun kabilis. Nakita ko lang siya, nawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. That mere presence of him made my heart smile. Ganito nga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit anong gawin niya sayo, kahit ilang ulit ka niyang saktan, siya at siya pa rin ang babalikan mo.

Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon