**Cahriya's POV
"Cahriya, you don't have to do this. Pwede naman akong magpatawag ng gagawa niyan."
Tignan mo 'to. Sabi niya alagaan ko siya tapos ngayong pinagluluto ko siya pinapatigil niya ako? May saltik talaga 'to.
"Hay nako. Manahimik ka nalang diyan. Malapit ng matapos 'to. Konting asin nalang." Sagot ko sa kanya habang hinahalo 'tong niluluto kong egg soup. Own recipe ko kaya 'to.
"Sigurado kaba dyan sa ginagawa mo?" Tanong niya na parang wala siyang tiwala sa ginagawa ko. Actually kanina ko pa napapansin na wala talaga siyang tiwala sa pagluluto ko e. Akala niya siguro porque nasunog ko yung ensaymada hindi na ako marunong magluto. Huh!
"Sigurado ako dito. Pinakain ko na kaya si KJ ng ganito dati." Natatawang sagot ko. Naalala ko kasi yung niluto kong masarap na masarap na soup noon para kay KJ. Halos magliyab ata ang dila niya dahil sa sobrang sarap!
Hindi ko na narinig pa na sumagot si Lance. Nang tignan ko siya ay seryoso na ang mukha niya at sa ibang direksyon na nakatingin. Anong problema niya? Senti mode?
"Huy?" Kinulbit ko ang braso niya kaya naman napatingin siya sa akin. "Natahimik ka diyan?"
Tinignan niya muna ako ng napaka-seryoso bago siya nagsalita.
"I'm jealous."
Nagulat ako ng bonggang-bongga dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun. I mean, lalaki siya. You don't expect a guy to admit that he is jealous in that instance.
"Kanino? Bakit?" Tanong ko.
"Kay Jaron tsaka kay Stefan." Seryosong sagot niya.
Nakakatawa siyang makitang magselos. Hindi kagaya nung sa mga napapnuod ko at nababasa ko. Sa mga napapanuod ko kasi kapag ang isang lalaki nagseselos, ipapakita nilang galit sila tapos magiging close minded na tapos magaaway na sila. Sa mga iba namang nababasa ko, kapag umamin na nagseselos, magpapa-cute o kay lambing lambing na. Which is I really don't like.
"At bakit ka naman nagseselos sa dalawang yun?" Nakapameywang pa na tanong ko.
"You've been with them a long time. Mas madami kayong alam sa isa't-isa. Mas madami kang nagawa na kasama sila. Tayo halos nagsisimula palang. Hindi ko alam kung anong kayang mong gawin sa hindi. Madami akong hindi alam tungkol sayo. That's why I'm jealous. I envy them so much."
This guy is the man of my dreams. Lahat ng inimagine ko na katangian ng lalaking mamahalin ko nasa kanya. Hindi siya yung sweet na sweet. Napapakilig niya ako ng hindi siya nage-effort. Sa mga simpleng actions niya lalo akong naiinlove sa kanya.
Ngumiti ako at niyakap ang braso niya.
"Kaya kong magluto basta ba sarili kong recipe. Ayoko kasi ng may sinusundan kaya ganun yung nangyari sa ensaymada. I can't wash my own clothes, I can't wash the dishes, but I'm 100% organize especially in my personal things. Ayoko ng pinapakelaman ang mga gamit ko. Ayoko rin ng inuutusan ako at dinidiktahan ako. Kaya nga hindi kami magkasundo ng Mommy ko dahil lahat ng ayaw ko, ginawa niya."
Inalis niya ang pagkakayakap ko sa braso niya at inakbayan niya ako. Alam kong nahihirapan siya kaya aalis sana ako pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakaakbay niya. Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko. Geez.
"Now I know. This time, ako naman ang magko-confess." Sabi niya habang pinipisil-pisil pa ang braso ko.
"At ano naman yang iko-confess mo? Bakit parang bigla ata akong kinabahan diyan.." Natatawang sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Loved By A Gangster: Pains Of the Past (Book 2)
De TodoIsang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding sakit na pinaramdam ng nakaraan. Paano nga ba maitatama ang mga maling nagawa ng kahapon? May pag-a...