YHEL'S NOTE: HAPPY NEW YEAR! #2021
Chapter 20
I grunted softly and then hugged my warm, big pillow as I felt the cold wind brushed my skin. The breeze made me shiver all over. Napahigpit pa tuloy ang pagkakayakap ko sa unan sa tabi ko... na agad ko ring itinigil nang maramdaman kong gumalaw ito. Hindi lang simpleng galaw kundi nararamdam ko ring humihinga siya.
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at bumungad agad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Kosher na mahimbing na natutulog sa bisig ko.
Fuck, shit, damn it! Napamura ako nang malutong kahit na akala mo, e, naka-mute ang bibig ko. I didn't want to wake her up while we were in this position.
Matic na nagharumentado ang puso ko nang mapansing ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. One small move and my lips will definitely touch hers again.
Huminga muna ako nang malalim bago ko dahan-dahang tinanggal ang braso kong sinasandalan niya. Noon ko lang naramdaman yung pangangalay ng braso ko. What the hell? Bakit kanina naman, feeling ko, parang unan ang dinadantayan ko? Unlike ngayon na tila bato ang dumagan sa braso ko.
Habang inuunat ko ang braso ko ay napatingin ako sa ulap. Tumayo pa ako at dumungaw pa sa hindi kalayuan. Kulay orange na ang kapaligiran at mukhang palubog na rin mamaya ang araw.
"ANAK NG!"
Napalingon ako sa pwesto ni Kosher nang marinig kong nagising na siya. Halata ang pagkataranta niya habang parang may hinahanap. Napansin ko rin na medyo may bakas pa ng mahimbing na tulog sa mukha niya. Napatingin tuloy ako sa braso kong ginawa niyang una at napansing may ganun din ako.
Naguguluhan man pero pinanuod ko lang si Kosher na natataranta. Marahil hindi pa gaanong gising ang diwa ko. Damn, bakit ba ako nakatulog dito? Hmm, siguro bukod sa masarap ang simoy ng hangin dito, e, puyat din kasi ako kagabi. Nakadagdag pa yung nainom ko kaninang alak.
"Kuya Tope, ano na!"
I almost yelped at Kosher's voice. She was in panic this time. "Ano bang problema? Hinahanap ka na ba sa inyo?"
"Uuwi ka pa pa-Maynila, hindi ba?" Nagsimula na siyang magligpit ng mga nakakalat na bote kaya nakitulong na rin ako.
"Oo. Uuwi ako. Ihahatid mo ba ako?" I said casually. The truth is I still wanted to be with her even until I leave.
She grunted in frustration while looking at her phone. "4:45 na!" she yelled.
"So?" I asked cluelessly.
"Hanggang alas-cinco lang ang byahe papuntang Grand Terminal!" sigaw niya bago nagtungo sa hagdanan. "Tara na. Maaabutan pa natin ang last trip kung magmamadali tayo."
Tuluyan nang nagising ang diwa ko nang inangkas ako ni Kosher sa kanyang motor. Halos liparin ako palayo sa bilis ng pagpapatakbo niya.
"Sabi ko iidlip lang ako, e. Hindi ko alam na makakatulog pala ako. Shet!" she looked so stressed ranting while driving her motorcycle. Ako naman ay walang magawa kundi ang kumapit sa likurang bahagi ng motor dahil putek! May pagka-racer siya kung magpatakbo.
"Okay lang, Kosher. Maaabutan natin 'yon. Relax..." I said as I tried to calm her down. "Masyado kang excited na paalisin ako."
That was meant to be a joke pero ewan ko ba, right after I said it, bigla niyang binagalan ang pagpapatakbo. Nanahimik na rin siya't panay ang pagbuntong-hininga hanggang sa makarating kami sa jeep terminal.
"Sakto..." mahinang sambit niya nang mapansing naabutan pa rin namin ang jeep na byaheng Grand Terminal. Para bang ako nalang ang hinihintay nito para makaalis na.
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Romance[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...