13. Fiesta

12.4K 584 578
                                    

Chapter 13

It was magical, indeed.

Magical to the point na wala sa hinagap ko na maganda pala ang boses ni Kosher. Para akong na-hypnotize habang kumakanta siya't nag-gigitara sa harap ng maraming tao. Halos nakalimutan ko ngang marami pala ang nanunuod sa amin at akala ko ay kaming dalawa lang ang nandun. I got almost lost in her angelic voice and that set of expressive eyes of hers that were staring back at me. Idamay mo pa 'yong ngiti niyang masarap tignan dahil nakikitaan na nag-eenjoy siya sa musikang tinutugtog niya.

I was mesmerized in her until we finished our performance. Nakakabinging palakpakan at hiyawan ang isinukli sa amin ng audience. Isa pa ang pagwawagayway na naman ng mga tropa ko ng dala-dala nilang banner. Dun lang tuloy ako bumalik sa huwisyo at bumalik sa akin ang kaba na kanina'y nararamdaman ko.

"Kosher, ang galing mo..." I complimented in almost a whisper as we hurriedly went on the backstage pero mukhang hindi niya ako narinig dahil dire-diretso siya sa kanyang pwesto. Sinalubong pa siya ng make-up artist niya na todo puri sa pagkanta niya.

"Magaling talaga 'yan si Kuya—" sabat ni Tanya na mangyari'y narinig ang sinabi ko. "I mean, Ate Kosher pala. Ate muna siya ngayon. Hindi bagay sa kanya ang tawaging Kuya sa ganda niyang 'yan."

Inabutan ako ni Tanya ng pagkain kaya pumwesto muna ako sa gilid. Marami pa ang naka-line up na magpe-perform kaya medyo mahaba ang pahinga namin bago sumalang sa formal attire portion.

Hindi maalis ang tingin ko kay Kosher habang kumakain siya't nakikipagkwentuhan sa make up artist dahil hindi pa rin ako makapaniwalang napakaganda ng boses niya. Kung hindi sana pinalakpak ni Tanya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko e nakatulala pa rin siguro ako kay Kosher.

"Huy, Kuya Toffer!" sigaw pa ni Tanya kaya nabalik ako sa huwisyo at sinimulan na ang pagkain ko. "Masyado kang elibs kay Ate Kosher. Crush mo na siya, no?"

Halos masamid ako sa tanong niya. Kung hindi lang ito 15 years old, baka nabara ko na rin siya. "Hindi, ah. Nagulat lang ako na ang galing niyang kumanta," pagdadahilan ko.

"Magaling talaga 'yan. Choir member ba naman siya sa church e at balita ko, kasama din 'yan sa music org sa college nila."

"Oh..." Napatango lang ako sa sa sagot ni Tanya at pasulyap na tinignan ulit si Kosher. Kaya naman pala sobrang confident siya sa pagperform kanina. So, all along, she was just tripping me na hindi siya kumakanta kuno.

"Kaya nga naging jowa yan ni Ate Lily e," bulong pa ni Tanya sa akin na pumukaw sa atensyon ko kaya binalik ko ang tingin sa kanya. "Gaganyan-ganyan lang yan pero maraming nagkakagusto dyang mga babae lalo na kapag kumakanta siya. Pero syempre, si Ate Lily lang ang bumihag sa puso niya."

It took me awhile until I finally got over with our performance earlier. Naalala ko na hindi pa pala tapos ang pageant dahil may formal attire pa. However, I have a gut feeling that Kosher will win the pageant. Ang lakas kasi ng hatak niya sa audience at kitang-kita iyon sa reaksyon nila sa tuwing lalabas si Kosher.

"Mauna ka nang pumila, Toffer. Susunod na si Kosher," the make up artist instructed me so I did what I was told to do.

Right behind the stage, all candidates were lining up with their formal attire on. Palakihan ng gown ang mga babae samantalang ang mga lalaki naman e akala mo may pupuntahang JS Prom. Napangisi nalang tuloy ako habang sinisipat ng tingin ang sarili kong three piece suit. Tama ba talaga itong sinuot ko o over-dressed ako?

"All candidates ready?!" sigaw ng coordinator kaya medyo nag-panic ako kasi wala pa si Kosher sa tabi ko.

As soon as I turned my head to look for her, my mouth gaped open when I saw her making her way on my side. Wearing her elegant ballgown with crystal beading and a sheer, plunging neckline on patterned glitter tulle, Kosher left me speechless.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon