Chapter 21
The ride back home was quiet, but the silence was a comfortable one. Nakaangkas ulit ako sa motor ni Kosher habang binabagtas ang daan pauwi. Matapos ang maikling eksena namin sa terminal ay nagyaya nang umuwi si Kosher na parang walang nangyari. I am pretty sure we are undoubtedly in an awkward silence at the moment pero ewan ko ba, I could still feel the comfort with the fact that we are still together... literally.
The quiet was still comforting as I thought over the things that happened a while ago— I almost left, Kosher confessed to me through a text message and after some hesitation, I came back for her. Damn. I could feel a big relief through my chest but eventually, it shifted from comfort to awkward when we finally reached infront of Kosher's house.
"Hindi na kita maihahatid sa inyo," aniya kasabay ng pagpatay ng makina ng kanyang motor kaya bumaba na rin ako. "Baka makita pa tayo ni Jordan."
My eyes lingered on her face. Inoobserba ko ang kanyang reaksyon. Para bang iniiwasan niyang tumingin sa akin. Teka. Ano 'to? Patay malisya lang sa inamin niya sa akin kanina?
"Kosher, yung text mo—"
Naputol ang sana'y sasabihin ko nang mag-fake cough siya. "Ayoko munang pag-usapan 'yan," sabay ubo na naman niya habang nakatalikod sa akin.
"Huh? Pero—"
"Malay ko bang hindi ka matutuloy sa pag-uwi? Edi sana hindi kita pinagtripan. Naniwala tuloy ang tanga."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at mabilis na humakbang sa kanyang harapan. Tatalikod pa sana siya pero agad kong hinawakan ang magkabila niyang braso't pinaharap sa akin.
"Ano? Anong klaseng trip 'yon?"
"Uh..." Tumingin siya sa akin pero mabilis din nagbawi ng tingin. "It's a prank!"
I scoffed sarcastically. "Wala nang bawian. Umamin ka nang gusto mo—"
Mabilis niyang tinakpan ang dalawang tenga niya gamit ang mga palad niya. "BLAH BLAH BLAH!!!"
"Gusto mo—"
Mas lalo pa niyang nilakasan. "LALALALALA!"
Mula sa kanyang mga braso ay nilipat ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang pisngi niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iingay.
"Kapag hindi ka tumigil, hahalikan na kita."
A prolonged silence followed after what I said. Nakatitig lang siya sa akin nang nakasimangot. I tried to read the look on her face. Kung kanina'y nagmamaangas, ngayon ay tila isa siyang maamong tutang nasa mga palad ko. Mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na agad niyang itinikom.
Shit, Toffer. Hold your horses! Magpigil ka...
No. I want to kiss her lips.
Maghunus dili ka, Kristofer Miguel Tan!
Isang halik lang naman.
Naputol ang pakikipagtalo ko sa sarili ko nang marinig namin ang maingay na pagbukas ng gate sa kaliwa namin. Mabilis tuloy akong tinabig ni Kosher bago namin makitang lumabas ang kuya niyang si Ferrero.
"Oh, nandito ka na pala, Kosher," aniya at lumipat ang tingin sa akin. "Bakit nandito kayo sa labas ni Toffer? Aba'y papasukin mo siya sa loob. Huwag kayo dito magligawan sa kalsada."
"KUYA!" Kosher reprimanded in irritation. Tinignan niya rin ako nang masama. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha niya. Napangiti tuloy ako. "Bahala nga kayo dyan!" sigaw niya sabay martsa papasok ng kanilang gate.
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Romance[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...