3. Tropa

15.6K 640 117
                                    

Chapter 3

"AAAHHH!!" Sigaw niya.

Napasapo ako sa parte kung saan siya napasubsob. Langya! Buti nalang ay natakpan ko kaagad bago pa niya matamaan ang pagkalalaki ko. Mahirap na. Kawawa naman ang lahi ko. Baka hindi magkaapo si Mama sa akin nyan.

Napatingin ako sa tomboy. Hindi pa rin kasi siya nakakatayo. "Ayos ka lang?" Tanong ko at aalalayan sana siyang tumayo pero tinabig niya ang kamay ko.

"Alis nga dyan!"

Tsk. Nagmamaldita na naman.

"Ikaw pa ang may ganang magalit, e ikaw nga itong muntik na lumanding ang mukha sa—-" tinignan ko yung parteng iyon bago ulit bumaling sa kanya. "Diba dapat ako yung nagagalit sa 'ting dalawa?"

"Wala kang pake!" Sabi niya bago tumayo't pinagpagan ang damit. "Simula nang dumating ka dito sa Santa Catalina, nagkamalas-malas na ang buhay ko!"

What the heck. Isisi raw ba sa akin ang kamalasan niya? "Hindi ko naman kasalanang madapa ka dyan. Kung hindi ka sana naninilip—-"

"Hindi ako naninilip!"

"E anong ginagawa mo? Sight-seeing?"

"Ewan ko sa—-"

"Will you shut up? Ang ingay ng bunganga—-"

Meeehhh.

Parehas kaming natigilang dalawa sa pagbabangayan at natulala nalang sa isa't-isa nang marinig 'yong tunog. Just then we realized what was really happening. Hinahabol ko nga pala si...

"Meeehhh!" Sigaw ko at bumalik ulit sa pagtakbo. Medyo malayo na yung kambing kaya kumaripas pa ako. Putek na yan! May sa kabayo yata itong kambing na ito napakabilis tumakbo! "M-Meeehhh! Will you please stop?! Friends tayo, okay? Hindi kita gagawing kaldereta!"

Halos habol-habol ko na yung hininga ko habang hinahabol si Meeehhh sa gitna ng mga halamanan. Medyo nangangati na rin ako dahil kung saan-saang halaman ako napapadikit. Hindi ko na kinayanan yung kati sa binti ko kaya tumigil na ako sa pagtakbo't kinamot ang parteng iyon.

"Fvck, Meeehhh! Tumigil ka na nga!!!"

I started to chase the goat again but then I saw that tomboy running after it as well. Mas malapit na siya kay Meeehhh. At buti nalang ay dead end na kaya madali niya itong na-corner bago hinawakan ang tali nito na nakapulupot sa leeg.

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila kahit na medyo nangangati pa ako at mabilis na inabot sa akin ng tomboy yung tali ng kambing. "Oh! Sa susunod, ingatan mo na yan. Huwag kasing tanga-tanga," pagsusungit na naman niya.

"Huwag kang magalit sa akin. Ikaw nga, e. Nasubsob sa ano ko at sinilipan pa ako, ginawa ko bang big deal 'yon?" Mataman ko pa siyang tinignan. "O baka gusto mong magka-barangayan pa?"

Inikutan niya lang ako ng mga mata. Bago pa ako mainis nang tuluyan ay bumuntong-hininga nalang ako't pinakalma ang sarili ko.

"Anyway, salamat..." alanganin kong sagot sa kanya.

Inirapan niya lang ako bago nagsimula ng maglakad palayo. Paika-ika pa nga siya. Huminto siya saglit para hubarin yung nasira niyang tsinelas. Sinubukan pa nga niyang ayusin iyon pero sumuko din siya agad at ibinato iyon sa malayo. Tss. Halatang napaka-impatient niyang tao.

Damn it. Kinakain ako ng konsensya ko. Kung hindi dahil sa akin, hindi masisira yung tsinelas niya. Hindi sana siya mahihirapan maglakad. Maputik pa naman ang daan.

Huminga muna ako ng malalim bago hinila si Meeehhh para abutan siya. "Sumakay ka na sa likod ko," alok ko.

Mabilis naman siyang bumaling sa akin nang nakasimangot. "Ano?"

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon