18. Sigurado

9.6K 566 589
                                    

Chapter 18

Sigurado na talaga ako. Gusto ko na si Kosher.

Hindi ko alam kung kailan, paano o bakit. Maybe the reason why I refused to acknowledge my feelings for Kosher before is because there's Jordan in the picture. But anyway, that's just it. I just knew for a fact now that I have fallen for her already.

Pero pakshet! Tama ba namang magkagusto ako kay Kosher? Putting her sexuality aside, sa simula palang ay gusto na siya ni Jordan. I am pretty much aware that he's dreamt to be with her eversince they were still younger. Tapos ako naman itong bagong salta na bigla nalang sumulpot sa mga buhay nila at nangako pang tutulong na mapasakanya si Kosher, e, bigla nalang nagkagusto rin sa babaeng pinapangarap niya.

Damn, am I playing the second leading man or am I the antagonist in someone else's story?

Lumalabas na nanunulot ako. I'm obviously breaking the bro code. Sa madaling salita, mas gago ako kaysa kay Jordan. Sinasabotahe ko siya. Maling-mali ang kung anumang nararamadaman ko ngayon para kay Kosher. Maling-mali!

"Anong maling-mali?"

Oh, shit. Did I just say that aloud? Panic rose in me. Napabaling ang tingin ko kay Kosher. Nangunguna siya sa paglalakad sa matarik na daan patungo sa shrine.

"Uh, w-wala," sagot ko nalang at binilisan na ang paglalakad para masabayan siya.

"Nakakatakot ka, ah. Bigla-bigla ka nalang nagsasalita mag-isa dyan," she said that earned an awkward laugh from me.

The skies were orange and the mixture of breeze coming from the sea and moutains felt so cold to the skin when we finally arrived in this sanctuary. Actually, habang nasa byahe palang kami ay nae-excite na ako dahil tanaw na tanaw na ang malaking grotto ni Mother Mary mula sa malayo at mas lalong humanga ako nang sa wakas ay makarating kami dahil mas maganda iyon sa malapitan.

"Na-miss ko dine," sambit ni Kosher sa matigas na Batangenyang tono bago huminga nang malalim pagkarating namin sa chapel sa ibabang parte ng burol. Humilig siya sa railings na overlooking sa asul at malawak na dagat ng Batangas habang ako ay pinagmamasdan lang siya mula sa isang dipa na distansya ko mula sa kinatatayuan niya.

For some reason, I am feeling at peace while watching Kosher just enjoying the serenity of the view infront of us as her hair being disheveled by the wind coming from the sea. I have never felt so much at ease like this... well, except when I am with Mama.

But God, Kosher is so beautiful. I just can stare at her all day without getting tired of her beauty. Sobrang simple niya. She's not even trying to look pretty and yet she is already.

Napaiwas ako ng tingin bago tumabi sa kanya sa railings. This time, I am staring the beauty of the sea infront of us. Napalitan ng lungkot ang kaninang payapa na pakiramdam ko. Bakit ngayon ko lang na-realize ang mga bagay-bagay kung kailan pauwi na ako ng Maynila?

I can't just admit to myself that I am into Kosher yet leave the next day. However, what if it's just another infatuation? Na nararamdaman ko lang ito dahil nasanay ako sa presensya ni Kosher at mawawala rin agad itong kung anong nararamdaman ko para sa kanya once na bumalik na ako sa tunay kong buhay sa Maynila dahil nga infatuated lang ako?

Damn, Toffer. You can be right. Isang buwan ka palang sa Lobo. You cannot just fall for someone you barely know. Hindi ka pa ba natuto sa ex-fiancee mo?

Pero teka, tanga ka ba? Akala ko ba sigurado ka nang gusto mo si Kosher? Make up your mind!

"Oh, crap!" Napasapo na ako sa ulo ko bago tinalikuran ang dagat at sumandal nalang sa railings.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon