12. Babae

11.6K 571 573
                                    

Chapter 12

Dumating na ang araw ng ikinakabahala ko— ang pageant. To be honest, I am having mixed emotions. Kinakabahan ako para sa magiging performance ko mamaya sa stage and at the same time, nae-excite din ako dahil kay Kosher. I can't wait for her transformation. Naniniwala akong magiging maganda ang resulta no'n. Maganda naman kasi talaga si Kosher e, tibo nga lang.

My mind has been pre-occupied by thoughts which don't concern me. Muntik na mawala sa isip ko na hindi pa dumadating si Kent gayong ilang oras nalang ay pageant na.

"Damn it!" I groaned in frustration because for the nth time today, Kent's phone is out of reach.

Nagawa ko na ang lahat ng preperasyon pero hindi pa rin dumadating si Kent para dalhin ang suit ko. It is unnecessary to be stressed over this matter but heck, I couldn't help myself. Wala akong susuotin para sa pageant!

"Toffer, halika dine!" tawag sa akin ni Nanay Tess mula sa may pinto ng bahay. Nakatayo ako sa ilalim ng puno ng mangga kaya kinailangan kong lumapit sa kanya.

"Nay, hindi ko pa rin ma-contact yung tropa ko," problemado kong sabi pagkapasok ko sa bahay.

"Heto't nakahanap ako ng remedyo," ani Nanay Tess bago humarap sa kwarto ni Jordan. "'Nak! Ilabas mo na nga 'yan dito!"

Lumabas nga si Jordan mula sa kwarto niya at lumapit kay Nanay Tess para iabot ang kung anumang tela. Base sa reaksyon ni Jordan ay mukhang hindi maganda kung anuman 'yon dahil nakangiwi siya.

"Heto't isuot mo ang barong ni Jordan. Ginamit niya 'yan noong may event siya sa eskwelahan niya. Buti nalang at nasa baul pa ito," sabi ni Nanay Tess bago nilahad ang puting Barong sa harapan ko kaya pati ako ay napangiwi na rin.

"Nanay Tess, hindi ako sasali sa Buwan ng Wika!"

"Ikaw na nga ang tinutulungan dyan," pagsusungit niya at tinupi na yung barong. "Anong gusto mo? Magsuot ng dahon ng saging? Aba'y, Jordan, ipanguha mo nga itong si Toffer sa puno natin sa likod!"

Napakamot nalang ako sa ulo samantalang humagalpak ng tawa si Jordan. What the heck? Dahon ng saging? Ano ako, ihahanda sa boodle fight?

"Kahit naman ano ang isuot mo e gwapo ka naman, Toffer. Maganda nga ang suot ng ibang kandidato, gwapo ba sila tulad mo?" bawi ni Nanay Tess.

Napangiti ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang inakbayan. "'Yan naman talaga ang gusto ko sa'yo, Nanay Tess, e! Napaka-supportive sa akin."

"Syempre alaga kita. Sino na nga lang ba ang mang-uuto sayo kundi ako lang."

Pinangningkitan ko siya ng mga mata kaya natawa lang siya ng nakakaloka. "Jordan, yan ang natutunan ng Mama mo sa Maynila. Pasensya ka na," biro ko nung humarap sa kanya kaya mas lalo lang din siya natawa.

Kahit ang lakas mangbara ni Nanay Tess ay mahal ko rin siya. Kung wala siya e baka matagal nang pumuti ang buhok ni Mama dahil sa akin. Kapag wala kasi si Mama noong bata pa ako ay siya ang nag-aalaga sa akin. Tumayo na rin siya bilang pangalawang ina ko kaya naman willing ako na ituring ding kapatid ang kanyang anak na si Jordan. Speaking of...

"Jordan, huwag kang mawawala sa pageant mamaya ah. May surprise ako sayo," I smirked playfully at him.

"Ano?" kunot noo niyang tanong.

"Spoiler? Surprise nga, 'di ba?" Tinapik ko ang braso niya. "Basta, 'tol, magugulat ka!"

"Paanong gulat?" singit ni Nanay Tess.

"As in, wow!" I acted exaggeratingly as though really surprise. Nakatutop pa ang palad ko sa aking bibig.

Sabay na tumawa ang mag-ina na siyang ipinagtaka ko.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon