22. Effort

5.5K 444 190
                                    

Chapter 22

Sukdulan ang inis ko sa sarili pagkatapos kong iwanan sina Jordan at Kosher sa treehouse. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa akin na si Jordan ang nakinabang ng pinaghirapan ko— na kesyo siya itong sweet at thoughtful dahil sa birthday surprise niya kay Kosher at parang ako naman itong extra sa eksena. Anak ng! Paano naman ako? Ako yung naghirap sa pagde-decorate du'n tapos salamat 'tol lang ang katapat no'n?

"Tss. Hindi man lang ako niyayang samahan sila du'n. Kasi ano? Kasi nakakaistorbo ako sa date nila? Gago pala siya, e," inis na bulong ko sa sarili at sinipa ang nakaharang na bato sa daanan habang binabagtas mag-isa ang tulay na gawa sa kawayan palabas ng mangrove.

Saglit akong natigilan sa paglalakad sa gitna ng tulay na pinapalibutan ng mangrove trees. Sa sobrang tahimik ay tanging kuliglig lang ang naririnig ko. Bakit ba ako naiinis? Simula palang naman ay choice ko nang tulungan na manligaw si Jordan kay Kosher. Ako pa nga ang nagbuyo sa kanya sa panliligaw.

Napabuntong-hininga nalang ako sa naisip ko. E ako pala itong gago, e. Wala namang kasalanan si Jordan. Malay ba niyang nababadtrip ako sa lahat ng ginagawa niya para kay Kosher. Hindi naman niya alam na gusto ko na rin ang babaeng gusto niya.

"Ako pala yung gago," bulong ko sa sarili sabay buga ko ng hangin. "Gago ka, Toffer. Ano bang trip mo sa buhay mo? Tandaan mo, ikaw ang epal sa kwento nila."

Nadoble tuloy ang pagkabadtrip ko habang papalapit na sa labasan ng mangrove. Sayang lang ang pagkabadtrip ko dahil wala naman talaga akong karapatan mainis. Sila naman dapat talagang dalawa. E ano ba naman ako? Panira lang naman ako.

"Pero hindi e," bulong ko sa sarili nang mapaisip na naman ako. Napahinto na naman ako sa paglakad pero this time ay tuluyan na akong nakalabas sa mangrove. May ilang mga bahay na akong nakikita sa harapan ko. Kung kanina'y nag-iisa ako, ngayon ay may mangilan-ngilang tao na ang nasa kalsada. Yumuko ako at napakamot sa batok ko. 

Hindi dapat ako ang epal. In the first place, binasted na rin naman ni Kosher si Jordan. Siguro dahil sigurado na siyang ako ang gusto niya—medyo napangiti ako sa ideyang ito— So, bakit pa niya pinagpipilitan ang sarili niya?

"Damn pathetic," napailing nalang ako ng ulo. Bahala nga siya. Basta ako ang gusto ni Kosher.

Pauwi na sana ako no'n nang mapansin kong wala man lang tricycle ang dumadaan sa kalsadang ito. May mangilan-ngilan mang mga tao pero ni isa ay wala akong nakitang namamasada na tricycle. Naglakad pa ako nang kaunti para magbakasakaling makahanap ng masasakyan pero napaatras lang ako dahil medyo madilim na sa kalsadang patungong highway. Sinubukan ko ring hanapin ang motorbike ni Jordan pero ano bang silbe nu'n kung wala naman sa akin ang susi.

"Tricycle ba?" tanong sa akin ng matandang lalaking sa hindi kalayuan.

"Opo. Papuntang bayan lang sana," sagot ko.

"Naku. Walang dumadaan na tricycle dito nang ganitong oras," aniya bago siya umalis dahil may tumawag na sa kanya mula sa bahay nila.

"Shet!" Napasipa na naman ako sa maliit na bato sa paanan ko. Kung kanina'y doble, ngayon ay triple na ang pagkabadtrip ko. What the hell? Ano 'to? Ako na 'tong nag-effort sa lecheng surprise na 'yon tapos kanya-kanya na pauwi? Binabawi ko na ang nasa isip ko kanina. Hindi pala ako yung gago kundi si Jordan. Napaka-selfish!

"Toffer?"

Napatigil ako sa pagkakamot ng batok ko sa sobrang inis nang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Medyo nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para hanapin kung kanino ang boses na 'yon.

"Toffer, dito sa taas!" sigaw pa niya kaya napaangat ako ng ulo at para akong binunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makita si Lily sa terrace ng bahay sa kaliwa ko.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon