1. Welcome

81.3K 2.1K 1.2K
                                    



Chapter 1

Halos isang oras na rin akong naghihintay dito sa terminal ng bus papuntang Santa Katarina. Uugatin nalang yata ako dito pero wala pa rin yung bus na hinihintay ko. Ayaw na ayaw ko pa naman 'yong pinaghihintay ako!

"Kung ba't kasi sa dinami-dami ng lugar e sa Santa Katarina pa ang punta ko?" Sa sobrang pagkabugnot ko ay ginulo ko ang sariling buhok at pabagsak na naupo sa upuan.

Pwede naman akong magpakalayo-layo— although malayo naman na ang Santa Katarina sa Manila —pero napaisip ako sa sinabi ni Nanay Tess. Nakakahiyang mang isipin pero tama siyang hindi ako marunong magluto at maglaba. Ni magsaing, hindi ko rin magawa! Oo na, asarin niyo na akong pinanganak na RK. Kasalanan ko bang mahal na mahal ako ni Mama kaya halos ayaw niya akong pakilusin sa bahay? Siguro nga tama ang desisyon kong sa hometown nalang ni Nanay Tess muna ako mag-stay. At least dun kahit papaano ay may mag-aasikaso sa akin.

"Santa Katarina! Santa Katarina!"

Biglang nagsitayuan ang mga pasaherong katabi ko sa upuan. Nilingon ko yung direksyon nang pinupuntahan nila at napabuga ako sa hangin nang makita ang bagong dating na puting bus. Sa wakas!

Padaskol kong isinukbit sa kaliwang balikat ko ang dala kong travel bag at dumiretso na sa pagsakay sa bus. Hinanap ko yung upuan ko base sa seat number ng ticket ko at kung minamalas ka nga naman, ang pwesto ko ay nasa likod pa mismo ng driver.

Wala na akong nagawa kundi ang maupo nalang. Syempre dun na ako sa tabi ng bintana. Napasapo pa ako sa noo ko nang matic na nag-play sa utak ko yung boses ni Mama na lagi niyang litanya tuwing may fieldtrip kami noong highschool.

"Baby Toffer, huwag kang uupo sa first row seat ng bus ha? Kasi kapag nagkaroon ng aksidente— na huwag naman sanang mangyari —it's either sa harap o likod yung laging napupuruhan. So, para secured ay sa gitna ka pumwesto. I love you..."

Damn! I shook my head to dismiss that thought. Pati ba naman sa paglalayas ko, sinusundan pa rin ako ng boses ni Mama? Kulang nalang ay sabihin niya pa sa akin ang linyang; 'Ako ang iyong konsensya..."

Pero kamusta na kaya si Mama? By this time, malamang ay gising na siya. Quarter to 8 na ng umaga e. Tuwing umaga pa naman pagkagising niya ay didiretso siya sa kwarto ko para gisingin na rin ako dahil sanay siyang mag-almusal kasama ako. Nakakain na kaya siya? Malamang hindi! Wala na siyang maaabutan na gwapong anak niya sa katabing kwarto niya, e!

"Putek! Tama na nga, Toffer. Tigil-tigilan mo na yan. Once and for all, you have to stand by yourself."

I was pulled from my reverie when someone cleared her throat beside me. Dun ko lang napansin na may katabi na pala akong lola. Nakatitig siya sa akin na para bang ako ang weirdest creature na nakita niya sa 60, 65, or 70 years ng pananatili niya sa mundong ibabaw. Alam kong nakakahiya iyon pero ngayon lang ba siya nakakita ng taong kinakausap ang sarili? Wala bang ganun nung panahon ng Hapon?

In the end, I just flashed an awkward smile to her and said; "Sorry po..."

"Ilang minuto nalang aalis na ang bus na ito. Pwede ka pang bumaba, hijo," she said in her voice full of concern.

"Hehe. Hindi na po."

"Bahala ka. Ikaw rin." Nagkibit-balikat siya at tumingin na sa harapan.

Napatingin din tuloy ako sa labas. Tama ba ang desisyon kong maglayas? Masyado yata akong nabigla. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin kong sawi kay Brenda. Nadamay pa tuloy si Mama... pero on a second thought, si Mama rin naman ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Brenda. So, si Brenda talaga ang tunay na nadamay. Kaya dapat lang na magpakalayo-layo muna ako para ma-realize ni Mama na mali ang ginawa niya sa akin. Ang kaso, ngayon palang na hindi pa nakakaandar ang bus na ito paalis ay namimiss ko na si Mama.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon