Chapter 38
It's been two days since Kosher shut off our communication. Wala na akong narinig mula sa kanya simula noon. I asked Lily how Kosher has been doing pero tipid lang ang mga sagot niya marahil siguro ay busy din siya sa acads. Damn, I can't stand being ignored by my girlfriend. It's frustrating the hell out of me.
When I came home from work on a Friday night, I took few glasses of Brandy just to ease my frustration. At nang makarami-rami na ako ng nainom, I started calling Kosher again. Nagbabakasakali lang na na-remove niya na ako sa blacklist. But heck, I found out that I was still remained blocked pati sa messenger.
That's it! I know I am supposed to travel to Lobo tomorrow but I just couldn't wait any longer. So I packed my stuff so quick, grabbed my car keys and stepped out of my condo. Kahit past 7PM na ay uuwi ako ng Lobo. Bahala na sa haba ng byahe kahit medyo late na. I just wanted to see Kosher. I am worried sick about her.
Medyo may tama na ang alak sa sistema ko kaya nakakaramdam na ako ng lula pero hindi ko 'yon alintana. Naglalakad na ako patungo sa elevator noon nang biglang bumukas ito. Medyo nagulat ako nang bumungad sa akin kung sino ang nakasakay do'n.
"Toffer," sabay na bati ng kambal. Yes, it was the war freak twins again.
"What are you doing here?" bungad ko sa kanila.
"May pinabibigay si Mama na ulam. Along the way naman ang condo mo so ito, idadaan na namin sa'yo," sagot ni Kent. Habang palabas sila ng elevator ay bumaba ang tingin nila sa dala kong duffel bag. "Saan ang punta mo nyan?"
"Pakisabi kay tita thank you. Babaunin ko nalang sa byahe," kinuha ko mula kay Brent yung hawak niyang eco-bag at pagtapos ay nilagpasan ko na sila.
"Hey, hey!" pinigilan agad ako ni Kent sa braso at humarang din sa daanan si Brent. "Not so fast, Toffer. Where are you going?"
I cursed when the elevator door closed behind us. Damn, maghihintay pa tuloy ako.
"Uuwi ako sa Lobo."
"Huh? Itong oras na 'to, seryoso ka?!" Kent scoffed in disbelief and then he sniffed through my shirt. "Ay, putek! Nakainom ka pa!"
"Gusto kong makita si Kosher. Ilang araw niya na akong hindi pinapansin."
"Can't you wait until tomorrow morning?" tanong ni Brent.
Tinabig ko ang kamay ni Kent sa braso ko at pilit na pinindot ang down button sa pader kahit nakaharang du'n si Brent. "I can't wait overnight. Magda-drive nalang ako patungo du'n."
"Oh, shut up! Parang mala-Baguio ang daanan du'n, Kristoffer Miguel Tan. Umuulan pa sa labas. Nakainom ka pa. Bukas ka na bumyahe," hinila na ako ni Kent patungo sa condo ko. Nagpupumiglas ako kaya nakihila na rin sa akin si Brent sa damit ko.
"Damn it! I can handle it. Mag-iingat ako sa pagda-drive! Let go off— anak ng! Baka mapunit ang damit ko, kambal!"
"Okay lang. Hedge naman ang brand n'yan kaya matibay," sabi ni Brent sabay hagalpak nila ng tawa.
Wala na akong nagawa noong dinala na nila ako pabalik sa condo ko. Kulang nalang ay igapos nila ako sa sofa para hindi ako makaalis. They even tried to calm me by making me drink more brandy and when I finally did, they just laughed their arses at me.
"Don't you think we're your angels in disguise? Kung hindi pala kami pumunta ni amag dito, e baka na-stuck ka na sa maulang byahe mo papuntang Lobo and worse case scenario? Huwag naman sana," sabi ni Kent sabay katok ng tatlong beses sa center table.
Brent raised his hand to Kent for a fist bump. "Sinagip ka lang namin sa maaaring mangyari sa'yo. Ikaw pa ba? You're a reckless driver when you're drunk."
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Romance[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...