Chapter 31
It's been a while since the last time I had a good night sleep. Yung tipong walang ibang bumabagabag sa isip ko bago ako matulog kundi ang magandang nangyari lang kahapon.
I couldn't believe I'm officially in a relationship with Kosher now. Hindi ko masasabing mabilis ang mga naging pangyayari sa pagitan naming dalawa dahil medyo matagal ko rin itong kinimkim. But dang! I have never been happy like this before. It's as if I have made the best decision in my life. Sobrang gaan sa dibdib. In fact, I couldn't take off the smile on my face since last night. Parang tanga nga, e, dahil hanggang pagtulog ko yata ay nakangiti ako!
Idagdag pa ang unang text message na bumungad sa akin pagkagising ko.
Kosher: Good morning, bungol. ♥️
"Shet..." Halos mapunit ang labi ko sa laki ng ngiti ko. Parang dumaloy lahat ng dugo sa katawan ko patungo sa mukha ko at nakisabay pa yung nakakakiliting peste sa sikmura ko. Damn! Iba talaga ang tama ko kay Kosher. Good morning text palang niya ay napasaya niya na agad ako.
I immediately composed my reply for her right after I calmed my shits down. Damn it. Halos makalimutan ko nang ako ang lalaki pero ako itong parang timang na kinikilig.
Me: Good morning. I just woke up. :)
I got up and made the bed for a while. Ilang saglit lang ay nagreply din agad si Kosher.
Kosher: Jowa pa rin naman kita, 'no?
Nakakunot man ang noo dahil sa pagtataka ay nasa labi ko pa rin ang ngiti ko. Diba parang tanga lang?
Me: Oo naman.
Kosher: Lambingan mo naman yung text mo. Parang hindi kita boyfriend e.
Me: Paanong lambing ba?
Kosher: Aba. Ewan ko sayo. Diskarte mo na 'yon. Basta dapat may lambing. Pakiligin mo naman ako!
Me: Okay. Got it. Have a nice day at school.
Kosher: Grr!
Me: With lambing.
Kosher: Shuta. Ni-literal nga.
I was chuckling as I finished cleaning my room. Actually, that was partly myself being playful with her pero there's also a part of me that is clueless. Putek. Dalawang buwan palang ang nakalipas noong huling relasyon ko pero parang nakalimutan ko na kung paano maging boyfriend. At isa pa, paano nga ba maging boyfriend para sa sa mas batang girlfriend?
Fuck, sudden thoughts. I made my way out of my room already before I could even ruin my supposed to be a good day.
"Good morning, 'tol..." And just like yesterday, bumungad na naman sa akin si Jordan pagbukas ko ng pinto na naghahain ng almusal sa hapag.
For a second there, I realized I must talk to Jordan about what's going on between me and Kosher. Sa madaling salita, kailangan ko nang umamin sa kanya na kaming dalawa na ng babaeng gusto niya.
"Kain na, 'tol."
I pulled the chair infront of him and sat there in silence. Parang naulit lang ang nangyari kahapon. Halata kay Jordan na maganda muli ang timpla ng mood niya dahil sa aliwalas ng mukha niya.
"Oh, kape..." Inabutan niya ako ng kapeng tinimpla niya para sa akin bago siya nagsimula nang kumain.
Tahimik lang ako habang nagsisimula na ring kumain. Medyo nakaramdam ako ng kaba hindi dahil naduduwag akong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Kosher kundi dahil marahil pagkatapos kong umamin sa kanya ay wala na akong lugar hindi lang sa bahay na ito kundi pati dito sa Lobo.
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Storie d'amore[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...