39. Lumpia

6K 414 322
                                    

Yhel's Note: Thanks for waiting! I appreciate all of your comments pero auto-block po sa akin ang mga rude at demanding readers.

***

Chapter 39

What are the odds?

Nasa rurok na yung level ng lakas ng loob ko para aminin na kay Kosher ang tunay na estado ko sa buhay e. Actually, nasa dulo na nga ng dila ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya pero the moment na nalaman ko kung anong meron sa araw na ito, automatiko kong nalunok pabalik lahat ng iyon.

Hindi ako mapakali. Sobrang naiirita ako sa mga nangyayari. I mean, hindi ako naiirita na anibersaryo ng kamatayan ng Mama ni Kosher (sorry, tita!). Medyo frustrating lang sa part ko dahil ang tagal kong inipon ang lakas ng loob ko tapos kung kailan handa na ako ay saka pa nagkataon sa okasyon na ito? Shet. I have been fully aware that Kosher's anger toward rich people is caused by her Mother's death and now is the worst timing ever to admit such truth about myself.

"Salamat, 'tol," sabi ni Ferrero pagkalapag ko ng bilao ng pancit sa mesang isi-net up nila at umalis din agad para kunin mula sa owner jeep ang mga food containers.

To make it worse, sa sementeryo nagpunta ang buong pamilya ni Kosher at sinama pa nila kaming dalawa ni Jordan. It is like the universe is screaming at me not to push through with my plan or else, I will fuck up big time. Of course, I am not that stupid and insensitive to admit the truth toward Kosher now. So I think I have to back out and postpone it a little.

"Ako na ang bahala dito," narinig kong taboy ni Jordan kay Royce habang nagbubuhat ng water jug. "Samahan mo na sila sa pagdadasal. Kami na ni Tope ang maghahakot ng mga natira."

"Sige, mga 'tol. Thank you!" Royce replied with a salute and then jogged to his family.

Unlike me, Jordan felt so much at home. Parang kapamilya na siya kung makipag-usap sa kanila, samantalang ako naman ay tahimik lang at tinuon nalang ang atensyon ko sa pagbubuhat ng natitirang food containers.

"Hindi ko alam na death anniversary pala ng Mama ni Kosher. Nakakahiya tuloy na sumama rito," I said to break the silence between me and Jordan as I grabbed the plastic utensils from the jeep. Ang awkward kasi dahil hindi man lang niya ako iniimik simula pa kanina.

Tipid lang ang naging ngiti niya sa akin. "Okay lang 'yon. Hindi mo naman masyadong close si Kosher at isa pa, kailan lang naman kayo nagkakilala kaya maiintindihan niya na hindi mo alam ang tungkol dito."

Saglit akong natigilan at kunot noong pinanuod si Jordan na mauna na sa paglalakad. Hindi ko alam kung maiinis ako sa fact na pinamukha ni Jordan sa akin na hindi ko pa gaanong kilala si Kosher o kung dapat ba ako mainis sa sarili ko dahil may point siya.

Sinundan ko nalang si Jordan at nakitulong na sa pag-aayos ng mesa habang ang buong pamilya ni Kosher ay nagno-nobena sa harap ng puntod. Napalingon pa nga sa akin si Kosher pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tila sumama ang timpla ng mukha. Galit pa rin ba siya sa akin?

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Medyo marami iyon at hindi na namin mapagkasya ang iba sa hapag.

"Ang daming pagkain," I muttered and Jordan just chuckled.

"Ganyan talaga sila every year."

"Lagi ka bang sumasama sa kanila?"

"Halos taon-taon, sinasama nila ako." Ngumisi siya at nagkibit-balikat. "Hindi lang ako nakasama last year dahil naging abala ako. Narinig mo naman kay Tiyo Juanio na para na nila akong kapamilya, hindi ba?"

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Dahil sa sinabi ni Jordan, mas lalo ko lang naramdaman na outcast ako rito. . . that I shouldn't be here in the first place because I am not in any way close to Kosher's family. In fact, I started to feel uncomfortable being with them right now.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon