Chapter 11
"Ipagpaumanhin niyo pero medyo masama ang pagkakatapilok ng pasyente kung kaya mahihirapan siyang maglakad. She has to rest her injured limb and avoid to put any weight on it for a couple of days. Kakailanganin muna niyang gumamit ng crutches pansamantala."
Nakaupo lang ako sa sofa sa gilid habang pinapakinggan sila na mag-usap-usap tungkol sa lagay ni Lily. Sa katunayan, wala na akong ibang naintindihan bukod sa parteng kailangan ipahinga niya ang kanyang paa. I knew how terrible her injury is lalo na't kami ni Kosher ang nagtakbo sa kanya sa emergency. Actually, first aid lang dapat muna ang gagawin pero sobra ang pagpapanic ni Lily kung kaya't dinala na namin siya sa ospital.
Pagkalabas ng doctor sa kwarto ay natahimik ang lahat. Marahil nagpapakiramdaman ang lahat sa reaksyon ng bawat isa sa narinig mula sa doctor. Aside from myself and Lily, there were three other people in the room; ang Mama't Papa ni Lily pati ang kanyang pinsan.
Panay ang tingin ko sa phone ko. It was almost 9pm already and I was certain that Jordan's looking for me already. Nagdadalawang isip naman ako na umalis dahil sa palagay ko ay dapat malaman ko kung ano ang plano nila para sa pageant ngayong injured na si Lily. At isa pa, kanina pa nawawala sa paningin ko si Kosher. Gusto ko na sumibat. Damn.
"Gusto kong tumuloy sa pageant," malungkot na sabi ni Lily. This time, she was calm already.
"Anong gusto mo mangyari? Rarampa ka nang may saklay?" her mother replied, looking so stressed out. Napayuko nalang tuloy si Lily sa narinig.
"Ma, paano yung lahat ng pinaghandaan natin? Ang tagal kong hinintay itong fiesta para makasali sa pageant, e. Pangarap kong maging beauty queen."
"Lily, anak..." alu sa kanya ng kanyang Papa habang hinahaplos ang ulo nito.
"Kailangan ko na nga talagang mag-back out," sabi ni Lily at nagsimula nang umiyak.
Backout? Suddenly, a realization hit me. Kung magbabackout si Lily, malamang makakapagbackout na rin ako. Masama ba kung sasabihin kong natutuwa ako dahil hindi ko na kailangan itaya ang ang dignidad ko sa Sabado? But on a second thought, medyo may panghihinayang din dahil sa mga oras na nilaan ko sa pagpa-practice kasama si Lily. Well, I think I should call Kent later to cancel the suit I requested from him.
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa mini-family drama nina Lily kung kaya't nagkunwari akong abala sa phone ko. Oh, damn. I felt so awkward witnessing this scene. Ako lang ang hindi kapamilya dito. Kung magbabackout si Lily, then there's no reason for me to stay longer here. I should just go home now. Nasaan na ba kasi si Kosher?
"Kung magbabackout ka, Lily, sino ang papalit sa'yo sa pageant? Hindi maaaring walang pambato ang barangay natin. Magtatampo si, Kapitan!" problemadong sabi ng Papa niya.
"Kunsabagay, sayang din naman yung gown na pinatahi natin. Kailangan natin makahanap ng papalit sayo, anak."
"Ma," si Lily. "Imposibleng makahanap pa tayo ng substitute ko. Sa isang araw na yung pageant, e. Mangangapa sa Sabado ang kung sinumang papalit sa akin pag nagkataon. Wala na pa namang stage rehearsal bukas."
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa niyon si Kosher na kumakain ng fishball at may dalang plastic cup na may lamang sauce sa kaliwang kamay. For some reason, nanahimik ang lahat at napalingon sa gawi niya.
"Uh..." Ngumiti siya nang alanganin bago pinakita ang kinakain. "Kain po tayo. Pasensya na. Ginutom ako."
"E kung si Kuya Kosher nalang kaya?" ani pinsan ni Lily.
"Ano ho 'yon?" tanong ni Kosher bago tumabi sa akin sa sofa. Inalok pa ako ng fishball na kinakain niya kaya umiling lang ako. "Ano 'ga iyon, tiya?" tanong niyang muli.
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Romans[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...