Chapter 8
Chill lang ako habang si Jordan ay pari't-paritong naglalakad sa harapan ko. Nakahawak siya sa sentido dahil nai-stress siya and at the same time ay nagpapanic dahil sa ichinat ko kagabi sa mahal niyang si Kosher.
"Paano ko siya haharapin niyan, 'tol?" frustrated na tanong niya sa akin habang pisil-pisil ang tungki ng ilong niya. "Gago. Ang landi nung sinabi mong mas maganda siya!"
"Bakit? Hindi ba siya maganda?"
Huminto siya sa harap ko tapos parang naging dreamy yung mga mata niya habang unti-unting ngumingiti. "Given naman na yon. Maganda naman talaga si Kosher. Magkakagusto ba naman ako sa panget? Pero aside sa face value, yung personality talaga niya ang nagustuhan ko. Matalino yon e, mabait, astig— Oh, anong nakakatawa?"
I stiffled a laugh at his words. Iba talaga ang mga taong in love. Nabubulag! I wonder if I was like him back in the day when I was head over heels for Brenda. Mukha pala akong tanga.
"Wala, wala. Keep going. Ano pang nagustuhan mo sa kanya?"
"Toffer, kung anuman yang binabalak mo, huwag mo na ituloy. Baka masira ang kredibilidad ko sayo, ah."
"Pa'nong masisira e binibuild up nga kita kay Kosher? C'mon, just tell me what qualities of Kosher that made you fall for her para magamit ko sa tactic ko."
Naupo siya sa tabi ko sa sofa at saglit na natulala sa malayo, parang malalim ang iniisip. Mukhang nire-reminisce pa yata niya ang nakaraan niya, back in the day na puppy love palang ang nararamdaman niya kay Kosher. Nagpipigil tuloy ako ng tawa. Ngayon palang yata nagbibinata itong si totoy. Mukhang kinikilig pati... never mind.
"Ang hirap ipaliwanag, e. Basta nagustuhan ko siya bilang siya," nahihiyang sabi niya.
I rolled my eyes heavenwards. "Alangan namang nagustuhan mo siya hindi bilang siya? Labo mo, 'tol."
"Ay, ewan ko," he sighed.
Sinuntok ko nang pabiro ang braso niya. "Okay lang yan. Nagka-girlfriend ka na ba dati?"
Hindi siya sumagot. Sapat na yung pagyuko niya't paghaplos sa batok niya na halatang nahihiya para malaman ko ang sagot.
"NGSB?" tanong ko.
"Oo, e."
I chuckled but gave him a light tap on his shoulder to assure him that it was okay. "NLSB din?"
"NLSB?"
"No landi since birth," kibit balikat kong sagot.
"'Raulo. NGSB nga ako diba? Malamang NLSB din."
"Malay ko ba. Pwede rin namang may nilandi ka pero hindi ginirlfriend. Mabuti na yung malinaw!" natatawang sabi ko sa kanya na inilingan lang naman niya ng ulo. "So basically, wala ka pa talagang experience sa panliligaw kaya pala ganyan ka mag-panic."
Kumamot siya sa ulo out of frustration habang paulit-ulit na binasa yung chinat ko kagabi kay Kosher.
Jordan: Mas maganda ka.
Kosher: Kadiri to. Lasing ka ba oy?
Jordan: Haha hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Kosher: Tama na joke time, Jords!
Jordan: Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako
Jordan: sayo
Kosher: Gago!
"Gago talaga!" he groaned again for the nth time as he burried his face onto his palms. Habang ako naman ay nag-de-kwatro lang sa pagkakaupo.
"Chill, 'tol. Normal yan sa mga nanliligaw. Para namang hindi ka millenial! Ano bang gusto mong paraan ng panliligaw? Gusto mo ba siyang ipag-igib ng tubig?"
BINABASA MO ANG
The Nasty Pretender [ON GOING]
Romantik[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pinakamamahal niyang Mama sa nangyari kung kaya't sumama ang loob niya't naisipan niyang maglayas. Napa...