15. Alak

9.5K 531 409
                                    

Chapter 15

"Hinay-hinay lang, Toffer..."

Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng aking palad pagkatapos kong tumungga sa ika-limang bote ng beer na ininom ko sa gabing ito. Napuna 'yon ni Jake pero binalewala ko lang siya at nagbukas na naman ng panibagong bote bago tumungga muli't pinagmasdan sina Kosher at Jordan kasama ng barkada.

They were talking about what Lobo has to offer for tourists. Tahimik lang si Kosher habang si Jordan naman ang attentive na sumasagot sa mga katanungan ng barkada.

"Sikat dito sa lugar namin ang Malabrigo light house," pabibong sabi ni Jordan.

"Ay, I heard of that lugar! Maganda mag-shoot ng OOTD dyan," Sandy replied excitedly. "Can we go there bukas, babe?" tanong niya sa boyfriend niya.

"Sige. Bukas naman ng hapon ang uwi natin," Kent answered and Sandy gave her a kiss on the cheek.

"Ano pang meron dito na lugar na pwedeng puntahan? Ipasyal mo naman kami habang nandito pa kami." Si Arthur.

"Dadalhin ko kayo sa Malabrigo beach pati na rin sa lover's lane. Tapos sunod naman sa Mangrove, diba, Toffer?"

Medyo nabigla ako nang tila ba naghanap ng back-up si Jordan at ako ang natripan niya. "Uh, oo. Maganda du'n," walang ganang sagot ko at uminom ulit sa beer ko. Through my peripheral vision, I saw Kosher gazed at me but she abruptly looked away when I caught her.

"Ang interesting naman ng mga lugar na nabanggit mo, Jordan," ani Chloe. "Don't forget to bring us to the best pasalubong center here in Lobo, ha?"

"Pasalubong na naman, Mhine. Ikaw lang naman kakain sa bahay," si Dustin.

Binatukan ni Chloe ang asawa. "Nagbilin kasi si Kaye Anne. Ayan oh, nagtext pa nga," sabi niya habang pinapakita ang phone niya.

"Oo naman. Yan ang last stop natin bukas. Kung gusto niyong mag-scuba diving, meron din kaming spot para dun," Jordan said with a huge smile but nobody responded. Asa pa. Si Derrick lang naman ang professional swimmer sa barkada. Yung iba, hanggang pool lang.

"I want somewhere na pwede kaming mag-photoshoot," Lovely said and then giggled.

"May camera ka bang dala?" tanong ni Brent sa girlfriend niya.

"I have my phone naman and Lyza's with us anyway. Pang-wordclass media yan. Magaling sa photography."

"Asawa ko 'yan!" pagyayabang ni Derrick kaya siniko lang siya ni Lyza na natatawa.

"Sure, I'll take photos of you, guys," Lyza said grinning which earned a squeak from Sandy and Lovely.

"And last but definitely not the least, dadalhin ko rin kayo sa Montemaria shrine," dagdag pa ni Jordan.

"'Yon!" sabay-sabay na sigaw nila.

Kung ano-ano pa ang pinagkwentuhan nila kasama si Jordan na medyo pabibo't maingay. Hindi pa lasing 'yan, ah. Ibang Jordan ang nakikita ko ngayon. Marahil masaya siya ngayong gabi dahil pinayagan na siya ni Kosher na manligaw sa kanya.

Speaking of Kosher... Napatingin ako sa direksyon niya. She is with the girls. Nag-iinuman sila't nagkakatuwaan except sa kanya na nananahimik. Mukhang naiilang siguro. Panay pa ang check niya sa phone niya.

Ilang dipa ang distansya ko mula sa pwesto ni Kosher kaya hindi niya ako napapansin. The rest of my friends were having fun in the pool. Maging si Jordan ay nakitampisaw na rin.

I took my phone out of my pocket and composed a message for Kosher. I feel like she badly wanted to leave but perhaps, she could not.

Me: Gusto mo nang umuwi, no?

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon