Kabanata 1

1.7K 60 49
                                    

[Kabanata 1]

"WHY do we have to go there mom?!" reklamo ko. I crossed my arms like I always did and let out a heavy sigh pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana ng kotse habang isa-isang sinusumpa sa aking isipan ang bawat bagay na nakikita at nalalagpasan ng mga mata ko.

I really hate it kapag hindi nasusunod ang gusto ko. Don't get me wrong, it's just that mom and dad tricked me! Yes, my parents just tricked because they said pupunta kaming palawan and spend there the rest of my summer vacation days but they lied to me dahil sa Ilocos pala ang punta namin where my lola Gracia lives at.

I don't like to go to province and spend my summer vacation there! And did I also mentioned that I don't like it when people lied to me. Argh! I'd rather spend my summer vacation with my friends. "Dad stop the car. Bababa ako!" Iretable kong utos sa kaniya muli.

Puno ng pagtitimping napabuntong-hininga si Dad. "Ikaw bata ka! Sumo-sobra na 'yang bibig mo, ah! Hindi ka na marunong gumalang sa mga nakakatanda sa 'yo lalo na sa amin ng mommy mo! Hay naku, hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa 'yo Sofia," reklamo niya pa.

I really can't believe this!

I rolled my eyes nang magsalubong ang mga mata namin ni daddy sa mirror ng kotse pagkatapos ay muling itinuon ang atensyon sa labas habang sandaling nakatigil ang kotse dahil sa stop light.

"Hayaan na lang muna natin siya honey. Normal lang na ganiyan ang ugali ng mga bata sa ganiyang edad," i heared mommy said.

"Normal?!" Halos hindi niya makapaniwalang tugon. "Wala akong naalalang naging ganiyang kawalang galang ang ugali ko noong nasa ganiyang edad ako." Sunod-sunod niyang pinatunog ang dila na puno ng disappointment, "Talagang nabago na ng panahon ang mga kabataan ngayon."

"Ganiyan talaga sila umasta ngayon. Nakakatakot. Mabuti na lang at naisipan nating bumisita kay nanay ngayon para naman maturuan siya kahit papaano," segundo naman ni mommy.

I hear Dad did a heavy sigh again, as if I'm his biggest problem. "Mabuti na nga lang talaga. Sigurado akong maraming siyang matutunan na magandang asal kay nanay. Sofia, ayusin mo ang trato mo sa lola mo sa oras na dumating na tayo doon. Naiintindihan mo?" bilin pa sa akin ni daddy nang nilingon niya ako sa back seat kung saan ako nakaupo.

"Tss..." sagot ko lang.

Para saan pa?
Para sa pera?
Tama!
Bakit hindi ko kaagad naisip 'yun?!

Kung magpapakabait ako kay lola baka bigyan niya ako ng malaking halaga ng pera gaya ng binigay niya sakin noong huling bisita ko sa kaniya. Ohemgiee! I'm so mautak.

I just don't really get it kung bakit kila lola pa naisipan nila mommy and daddy na magbakasyon ngayong summer. Maybe because it's been a long time since we last visited lola Gracia. Hindi ko na nga maalala kung anong itsura niya. It's been ten years now since we last saw her.

I was just eight years old back then but i still remember how she gave me a five hundred pesos like an FBI agent. That is so funny. I just hope she'll still give me money, but I want two times the amount she gave me last time. HAHA!

***

INILABAS ko ang aking pinakamatamis na ngiti nang sandaling masilayan ako ni lola Gracia sa entrada ng pintuan. Iginaya niya kaagad ang kaniyang mga kamay na animo'y humihingi ng mahigpit na yakap. "Hay... Ang aking apo. Dalaga ka na talaga ano? Noong huli nating kita ay tila hindi mo pa mabitawan ang mga kamay ng mama mo dahil ayaw mo siyang malayo sa iyo ngunit ngayon, talagang dalagang-dalaga ka na at napakaganda pa," saad ni lola matapos niya akong yakapin.

Ngiti lang ang isinagot ko kay lola Gracia dahil hindi ko alam kung paano tugunan ang sinabi niya.

Hindi sa ngayon lang ako nakatanggap ng papuri. Ang totoo ay halos araw-araw akong nakakatanggap ng papuri mula sa mga classmates ko, teachers, kahit si manong guard o galing sa mga school janitors o kahit pa sa mga random people na nasasalubong ko sa daan. Palagi akong nakakatanggap ng papuri dahil sa kagandahan ko.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon