Kabanata 3

874 50 38
                                    

"Kamusta ang lagay niya doktor?"

"Wala ho kayong dapat ikatakot, wala naman po akong nakitang problema o sakit mula sa kaniya Madam siguro'y dala lamang ng pagod o labis na pag-iisip kaya siya nawalan ng malay."

"Mabuti ho kung ganoon. Kailan siya gigising doktor?"

"Huwag kayong mag-alala marahil ay maya-maya lamang ay gumising na siya. Paalalahanan niyo na lamang siya sa mga payo at mga bagay na dapat niyang iwasang gawin upang hindi na maulit ang pangyayaring ito. Ikinatitiyak kong walang problema sa kalusugan ang inyong anak."

"Maraming salamat ho doktor..."

Who are those people?!

I don't recognize their voices. That's not mom and dad voices nor auntie and uncle.

Pero nanghihina pa rin ako. I can't even open my eyes dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Am I in the hospital right now?

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

After kong narinig ang pagbukas at pasarado ng pintuan I feel someone touching my right hand so that's the time I decided to open my eyes.

I almost faint again when I saw two unfamiliar faces in front of me. I stared at them, confused. Nakaupo sila habang ang buong atensyon nila ay nasa akin lang. Puno rin ng pag-aalala ang mga mata nila.

There is a guy beside me na parang halos nasa edad ko lang and girl na mukhang mas matanda sa akin, siya rin ang may hawak ng kamay ko kanina pa.

Who are these people?!

"Margarita sumagot ka. Ayos ka lang ba?"

Margarita?

May inuman ba dito?

May inuman bang naganap?

OMO! Don't tell me I got drank last night?

I can't even!

"Sandali at tatawagin ko sila ina," saad ng lalaki at tumayo pagkatapos ay lumabas ng kwarto.

Holy shoot!

Nasa kwarto ako?!

Kaninong kwarto 'to?!

Sobrang lasing ko ba kahapon at hindi ko alam kung kaninong kwarto ako pumasok? Pero wala akong naalalang uminom ako.

I'm so doomed kapag nalaman 'to nila mommy. I just hope na hindi pa nila ako hinahanap. I need go home right now!

"Saan ka pupunta?" gulat na tanong ng babae sa akin nang tumayo ako at lumakad pagawi sa pinto.

"Sorry kung na-istorbo ko ang room niyo. I'm so sorry po talaga. I don't remember anything pero I promise na magbabayad ako sa mga things na nasira or nabasag ko. Tawagan niyo na lang po ako."

Sinimulan kong kapain ang damit ko para maglabas ng calling card but I was shocked when I'm already wearing somebody's clothes. The bad thing is the fashion of the clothes I'm wearing is like forever ago nang nauso.

Why do I feel like I'm in Audrey Hepnerd and James Dean's movie?

"What is happening?" Naibulalas ko.

"Ano bang sinasabi mo Margarita?" tanong ng babae sa akin.

"Me? Margarita?"

Kailan pa naging Margarita ang pangalan ko?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang babae at lalaking kasing edad nila mommy and daddy and kasunod nilang pumasok ang iyong lalaking nandito kanina.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon