Kabanata 2

1K 51 43
                                    

[Kabanata 2]

"'WAG ka nang umiyak. It's not your fault Sofia." Mom keeps comforting ever since what happened earlier.

It's been an hour since lola collapsed at ngayon ay maayos na siyang nagpapahinga sa kwarto niya.

Dahil lang daw sa pagod ang dahilan ng pagkahimatay niya pero nalaman naming may ilang sakit na palang nararamdaman si lola Gracia sabi ng doktor na tumingin sa kaniya. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sakit na tinukoy ng doktor dahil sa sobrang kaba ko sa nangyari kay lola ang tanging naiwan lang sa isipan ko ay lumalala na ang alzhemier desease niya.

Ilang oras ang hinintay namin bago magising si lola Gracia. Halos lahat kami ay hindi mapakali at panay ang pagtingin sa orasan.

Tatlong oras ang lumipas bago siya nagising ngunit hindi namin inaasahan ang pangyayari nang magising siya.

Si daddy na nakaupo sa tabi ni lola Gracia at paulit-ulit na pinapaalala kung anong araw na ngayon.  "Ma, ayos lang kahit hindi mo maalala kung anong araw na ngayon. Huwag mo nang alalahanin baka lalong sumama ang pakiramdam mo," pakiusap sa kaniya ni daddy na mahahalatang pilit pinipigilan ang pag-iyak.

"Ano bang sinasabi mo riyan. Bakit ko naman hindi alalahanin ang kaarawan ng aking nanay. Na saan na ba si nanay at baka naghihintay na siya," tugon ni lola Gracia na lalong ikinalungkot ng lahat.

Mas lalong binalot ng lungkot ang kwarto ni lola. Hindi napigilan nila mommy pati nila auntie at uncle na pumatak ang mga luha mula sa kanilang mga mata.

Matagal ng patay ang nanay ni lola Gracia. Ang great grand mother ko pero sa isipan ni lola Gracia ay inaakala niyang buhay pa rin ito.

It's breaking my heart.

***

"GOOD morning lola!" masigla kong bati pagpasok sa loob ng kwarto ni lola dala ang mainit na kape, "I brought coffee and your favorite cookies!" But wala siya sa apat na sulok ng silid nang makapasok ako.

Pinatong ko muna ang tray ng pagkain bago puntahan ang terrace ng kwarto and gladly lola was there. "Lola, you shouldn't stay here ng matagal you might get cold. It's so early in the morning pa naman."

But lola's just seating fine in her chair, doing some stitches. I think it's called gatilyo.

I bend on my knees para mas makausap siya. It made me smile nang makitang masaya niyang ginagawa ang paggagatilyo but I suddenly feel sad.

What if lola doesn't recognize me anymore?

"Lola, pwede po bang akin na lang 'yan kapag natapos niyo ng gawin?"

Saglit niyang inabalang mag-angat ng tingin sa akin saka muling inabala ang sarili sa paggagatilyo. "Para ito sa aking ate. Noong nakaraang araw nagalit siya dahil nawawala ang sumbrerong ginatilyo niya kaya't gumagawa ako ng kaparehas bago niya malamang nasira ko ang sa kaniya," pagkatapos ay nagpakawala siya ng pilyong ngiti na naging dahilan para mapangiti rin ako.

My smile only last for a minute after I realized na siguro nga ay hindi pa naabot sa memory ni lola Gracia ang mga alaalang iniwan ko sa kaniya.

Parang kahapon lang ay masaya pa niyang pinaalala sa akin ang huli kong pagpunta dito na sampung taon nang nakakalipas. Masaya niya ring pinakilala sa akin ang mga ancestors namin. Halos sariwa pa rin sa alaala niya ang kwento ng tiyo Ignacio niya. "Lola, I hope na maalala niyo ako para matuloy niyo rin ang kwento niyo sa akin kahapon. Gusto kong marinig ang buong pangyayari at kung anong nangyari kay lolo Ignacio."

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon