Kabanata 7

676 38 10
                                    

It's been 10, 15 minutes? I don't know, I loss my count.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero matapos talikuran ni Leonardo ang ama niya at tumakbo pagawi sa kung saan pinili ng mga paa ko na sundan siya hanggang sa maabutan ko siya sa isang malawak na bakanteng lupa kung saan mayroong isang malaking puno na nakatayo.

Nakita ng mga mata ko kung paano niya pakawalan ang nararamdamang lungkot sa likod ng puno. Umupo siya sa tabi noon at doon umiyak nang umiyak.

Hindi kalayuan sa puno mayroong swing na magkatabi. Doon ako umupo at pinakinggan ang hikbi ni Leonardo. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng awa sa kaniya lalo na nang makita ko kanina kung paano siya sinampal ng ama niya, sigurado akong masakit 'yun, higit pa sa sampal siguradong mas nasasaktan ang damdamin niya ngayon kaya naman gusto kong samahan siya.

But don't get me wrong hindi ako nag-aalala sa kaniya it's just that nalulungkot lang ako sa nangyari sa kaniya.

But you know what, tumatagal na ang pagda-drama niya at naiinis na ako dahil kanina pa ako nilalamok. I don't have that kind of patience. Maybe I'll just go home na lang. He doesn't even know that I'm here naman.

Tumayo na ako para umalis pero kasabay nu'n ay ang pagtayo rin ni Leonardo at nang humarap siya doon niya na ako nakita.

Saglit pa akong natulala sa kaniya. Nakipagtitigan. At hindi malaman ang dapat gawin. "Hi?" I awkwardly said. At last.

Kaagad niyang pinunasan ang mga natitirang luha sa mata at pisngi niya bago sumalubong ang kilay at titigan ako ng masama. His mood immediately changed. "Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba nandiyan?" masungit niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin saka sumagot, "Oo" marahan akong tumango.

Sabi na nga ba dapat umuwi na lang ako bago niya ako nakita. "'Wag kang mag-alala wala akong pagsasabihan na umiyak ka. Mananatiling secret lang sa pagitan nating dalawa," I said but he just scoffed in return.

Lumakad ako para pumunta sa harapan niya. Ipinagtaka niya iyon pero hindi ko pinansin ang masungit niyang mukha at binigyan siya ng ngiti bago kinuha ang isa niyang palad.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

Kumuha ako ng chocolate candy sa bulsa ng mahaba kong palda at inilagay sa palad niya. "Nakakagaan ng pakiramdam ang pagkain ng matamis." nang maibigay ko sa kaniya ay marahan kong tinapik ang balikat niya. "Ayos lang na umiyak ka nang umiyak ngayon para bukas makapagsimula ka na ulit ng may ngiti at walang bigat sa puso." then I gave him smile. The sweetest smile I could give to a person.

"Nakita mo ba?"

"Mmm..." Tango ko lang. "Pero gaya nga ng sabi ko ay sa'ting dalawa lang 'to. Isa pa hindi ko nakita ang buong pangyayari 'yung pinakamalalang pangyayari nga lang. Sorry, hindi ko sinasadiyang makita kayo, galing kasi ako sa bahay niyo, noong lumabas ako nakita ko na lang na..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at napahawak sa pisngi.

"Ahhh..." tango niya at umiwas ng tingin.

Nahihiya siguro siya at nakita ko ang pagsampal sa kaniya ng ama niya. Kung hindi lang sana naabutan ng mga mata ko ang pangyayari at kung makakalimutan ko lang sana kaagad ang mga nakita ko, sana'y hindi ko na siya sinundan pa para naman hindi niya maramdaman ang hiya ngayon. But, my feet, it's there fault.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon