Kabanata 14

458 28 0
                                    

Alas-kwatro ng hapon bago ko maisipang lumabas ng kwarto habang suot ang isang blouse na kulay puti habang tinernuhan ng bulaklaking paldang mahaba na umaabot sa tuhod at kulay itim na sapatos na mukhang binabad sa pampakimtab buong gabi.

Pagkatapos ay pumunta akong palengke, hindi para mamili ng mga gulay at ano pa kundi para hanapin ang kwintas ko. Puntahan ang kahit anong jewelry shop o store na pwede kong paghanap ng kwintas ko. I want to go back to my real life. Pakiramdam ko ay tapos na ang lahat and I want to have at least my necklace back before I go back. And how I wish na sana maiwan din ang nararamdaman ko para kay Leonardo dito sa oras na makabalik ako.

"Pasensya na hija pero wala akong bagay na hinahanap mo," saad ng matandang may ari ng jewelry shop matapos kong tanungin kung mayroon silang kwintas na nahahawig sa kwintas na binigay sa akin ni lola Gracia. Binigay ko sa kaniya ang buong deskripsiyon pero mukhang bigo na naman ako.

"Ganoon po ba?" I bit my lower lip in disappointment and sadness.

This is the ninth shop na napuntahan ko and wala pa rin akong makikitang katulad ng kwintas ni lola Gracia.

"Sinubukan mo na bang tumingin sa mga sanglaan ng mga alahas? Naku, marahil ay doon iyon dinala ng mga kawatan matapos nila iyong kunin," suhestiyon pa ng matanda.

Mas lalo akong nabahala. "Sa tingin niyo po kinuha talaga ng mga kawatan ang kwintas ko?" pag-aalalang tanong ko.

Ikinuwento ko rin kasi sa kaniya ang nangyari noong araw na naiwala ko ang kwintas at tulad ng sinabi ni kuya Ignacio baka nga kinuha iyon ng mga kawatan. At halos lahat ng napuntahan ko ay iyon ang sinasabi sa akin. Ano nang gagawin ko?!

"Eh hindi naman malabong mangyari iyon sa panahong ito lalo na't maraming gustong makahanap ng pera sa madaling paraan," dagdag niya pa.

Pinandiyak ko ang paa ko na parang isang batang nagta-tatrums, "Manong naman eh! Mas lalo niyo lang dinadagdagan ang isipin ko, I cannot!" natawa ang matanda kahit pa gusto ko na siyang kagatin ngayon dahil mas lalo niya lang ako pinapakaba. "Salamat na lang po ulit. Mauna na po ako at marami pa akong jewelry shop na pupuntahan," paalam ko pa bago ako lumabas ng shop niya.

Sa isang oras kong paghahanap ay naka-ilang shop na akong napuntahan at sa tingin ko wala na yatang jewelry shop. Naubos na yata sila. Iyong kay manong na ang huling shop.

Muli kong ginala ang mga mata ko sa paligid pero bumagsak ang balikat ko at nadismaya dahil hindi nga ako nagkamali.

I just let out a heavy sighed dahil na rin sa pagod at init, "Where else I can find my necklace? Mommy will kill me." Muli akong naglakad-lakad at nagbakasali na mayroon pang mahanap na shop but after a couple of minutes I ended up standing in front of...

Esmeralda...

"M-Margarita..." saad niya.

Walang mga salitang lumabas sa bibig ko bagkus, wala sa sariling natulala ako sa kaniya kasabay nu'n ang pagsapul sa isipan ko ng katotohanang nalaman ko, dalawang gabi nang nakakaraan.

Mula nang gabing iyon hindi na maalis sa isipan ko kung paano ko pa itutuloy ang plano ko para kila lolo Ignacio. Hindi ko malaman kung ano na ang dapat kong gawin. Hindi rin matahimik ang puso ko dahil sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang bagay na iyon nalulungkot ako.

Nalulungkot ako na sa puntong gusto kong umiyak dahil nasasaktan ako pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Isa lang naman akong estrangherong napadpad sa taong ito at kilala lamang nila bilang Margarita, ni hindi ko nga alam kung lubos na kilala ni Leonardo ang totoong Margarita para mahulog siya rito, sigurado akong mas maayos na sa kaniya kung si Esmeralda ang makakatuluyan niya.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon