Kabanata 15

488 31 1
                                    

Sumasakit ang ulo ko. I thought malapit nang matapos ang problema ko but you know what, sometimes, paglalaruan ka talaga ng tadhana. Just like what happened to me but that's not the problem now! Lolo Ignacio is missing! No one knows where did he go.

Alas-otso na ng gabi. Sa mga oras at panahon na ito dapat ay tahimik na ang lahat, I know masyado pa iyong maaga pero ganoon sila dito, siguro nga ay mayroon nang natutulog sa mga oras na ito.

Mula pa kanina ay abala na kami kakaisip kung saan posibleng pumunta ng ganitong oras si kuya Ignacio. Ang sabi nila ina mga trenta minutos na din nilang hinahanap si kuya Ignacio bago ako makarating kanina sa bahay. At ang mas masaklap pa ay nawawala raw ang iba nitong damit at gamit.

Kaya naman sinubukan kong maghanap sa lumang playground kung saan ko sinundan noon si Leonardo, ang lugar na iyon ang una kong naisip pero hindi ko siya nakita doon. Sinubukan ko ring hanapin siya sa open court na pinaglaruan nila dati pero bigo pa rin ako kaya nang mapagod ako ay bumalik na lamang ulit ako sa bahay.

"Hindi ko alam na maiisipan niyang maglayas. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. May mali ba sa pagpapalaki natin sa kaniya at nagawa niya ito?" iyak ni ina sa bisig ni ama na kanina pa nito pinapatahan.

"Wala kang kasalanan." iyon naman ang paulit-ulit na sinasabi ni ama sa kaniya.

"Kapag nakita ko talaga ang lalaking 'yun kakalbuhin ko talaga siya. Tsk!" Nanggigigil na saad ni ate Lucinan. "Pero na saan kaya siya ngayon?" Mataray at naiinis man ang mukha niya hindi naman niya maitatago na nag-aalala siya sa kapatid.

"Siguradong nasa maayos na lugar lang po siya ngayon kaya huwag po kayong masyadong mag-alala. Kilala ko po si Ignacio at hindi niya magagawa ang bagay na ito ng walang dahilan." saad ni Leonardo. Halos lahat ay lumingon sa kaniya. Bakit nga ba nandito din si Leonardo?

Binulabog kasi ni ate Luciana ang tahimik nilang bahay kanina para magbakasakaling nagtatago lang daw kila Leonardo si kuya Ignacio gaya ng parating daw nitong ginagawa noong mga bata pa sila sa tuwing may ginawa itong kasalanan pero ang ending pati sila ay nabahala at ngayon pati ang mga magulang ni Leonardo ay nandito na din sa loob ng bahay namin.

"Tama, wala nang mas nakakakilala kay Ignacio kundi ang matalik niyang kaibigan dahil parati niya itong kasama." segundo pa ni Aling Delia, ang ina ni Leonardo para mapakalma si ina.

"Mabait na bata si Ignacio kaya hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakapahamak niya. Marahil ay naisipan niya lamang magisip-isip sa ibang lugar na malayo sa atin, siguradong uuwi rin siya." dagdag naman ng ama ni Leonardo.

Saglit na tumahan si ina sa pag-iyak, namumula na ang ilong niya at kitang-kita ang pamumula ng mga mata, "Tama. Siguro nga'y nais niya lamang mapag-isa. Ngunit paano kung naisipan niyang..." hindi na naituloy ni ina ang sasabihin at muling umiyak.

"Hay naku! Ano ka ba naman. Huwag kang nag-iisip ng ganiyan..."

Hindi na kinakaya pa ng puso ko ang mga nangyayari kaya naman hindi ko na tinapos pang pakinggan ang sasabihin ni ama. Hindi ko kaya panoorin silang nasasaktan dahil nawawala ang isa nilang anak. Kailangan kong hanapin si kuya Ignacio dahil mayroon pa siyang kailangang malaman.

Mabilis akong lumabas ng bahay. Ni hindi manlang nila ako napansin. Sandali akong napatigil sa kinatatayuan ko nang maalala ang kwento ni lola Gracia. "Ang sabi niya lumuwas ng Maynila si lolo Ignacio dahil nalaman niyang ikakasal na si Esmeralda at ang mas malala sa matalik nitong kaibigan na si Leonardo. Tama! Ito ata ang araw na 'yun. Kung aalis lang siya nang ganoon-ganoon, that only means na matutuloy lang ang kasal nila Esmeralda at tuluyan na siyang luluwas ng Maynila at hindi na nila magagawang magkatuluyan pa!" hindi pa man ako nakakahakbang ay mayroon ng isang kamay ang pumigil sa braso ko. Kaagad akong lumingon at namilog ang mga mata ko nang makita si Leonardo.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon