Kabanata 6

620 36 27
                                    

"AKALA mo ba wala akong ideya sa ginagawa mo, Margarita?"

"W-wala akong alam sa sinasabi mo"

Omo! Ano nang gagawin ko?

"Aminin mo nga. Ikaw ba may gusto sa akin?"

"ANO?!" naibulalas ko kaagad. Ang lakas din pala ng amats ng lalaking 'to. Ako may gusto sa kaniya? Eww, no way, never. "Anong sinasabi mo diyan?"

"Kung ganoon, hindi kaya may gusto ka kay Esmeralda?"

"WHAT- ikaw ba naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

Eww, ano namang pumasok sa kukote niya at iniisip niyang may gusto ako kay Esmeralda. I mean, Esmeralda has the face but I'm prettier than her, I swear. And I'm straight. Nagkakagusto lang ako ng ibang babae kapag tumitingin ako sa salamin at bukod doon wala na.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa ito," saad niya.

"Ang alin?"

"Kakaiba ang mga kilos mo nitong nakaraang araw."

"Kailan ba ako naging normal?"

"Inilalayo mo sa akin si Esmeralda," mabilis niyang tugon.

Nanlaki ang mga mata ko. OMG! Napansin niya nga. Buking na ba ako?

Hindi. Hindi puwede.

"Bakit may gusto ka ba kay Esmeralda?" mapanghamon kong tanong. Tama, ganiyan nga Sofia ungkatin mo ang nararamdaman niya para kay Esmeralda.

Sumingkit ang mga mata niya, mukhang hindi inaasahan ang tanong ko "Bakit mo naman gustong malaman?"

Para saan nga ba kung aalamin ko ang nararamdaman niya?

Well, dahil kapag nalaman ko na ang nararamdaman niya mas madali ko na maisasakatuparan ang plano ko. What a great idea Sofia!

"A-ah, Survey lang," tugon ko na lang.

"Survey?"

"Oh," tango ko. "Narinig ko kasing maraming nagkakagusto kay Esmeralda sa lugar na 'to. So, isa ka ba sa kanila?" itinapat ko pa ang kamay ko sa kaniya na kunwaring nagi-interview at may hawak na invisible microphone.

Umangat ang gilid ng labi niya at umiling. "Kalokohan," sagot niya lang at naglakad na ulit.

Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan siyang lumakad habang lumalayo na ang distansya mula sa akin.

Bakit kaya ayaw niyang sagutin?

Siguro may gusto talaga siya kay Esmeralda. If that so, wala akong magagawa kundi ipagpatuloy ang ginagawa ko. Ang paglayuin sila ni Esmeralda at paglapitin ni lolo Ignacio.

"Hey, Wait for me," paghabol ko.

Nang mediyo lumapit ang distansiya niya mula sa dalawa kaagad kong iniharang ang buong braso ko para pigilan siya. Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako. I smiled at him before I check the distance between kuya Ignacio at kung saan kami nakatayo. Nang makuntento ay ibinababa ko na ang braso ko at inaya si Leonardo na muling ipagpatuloy ang paglalakad.

Narinig ko pa ang buntong-hininga niya but I just ignored it. "I have a question. May ginawa ba akong masama kagabi?" pinalo ko ang ulo ko sa inis. "Haayss! I don't remember anything last night. Nang magising ako, hindi ko alam kung bakit galit sa'kin si great great grand mother I-I mean si ina. I don't want to ask her 'cause I'm scared, mas nakakatakot pa siya kaysa kay mommy. Sabihin mo nga, may ginawa ba ko?"

"Bakit hindi mo alahahanin?"

"'Cause!" Asik ko. "Masakit pa rin ang ulo that's why I'm still having a hard time remembering it. Would you tell me?"

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon