Kabanata 12

533 38 11
                                    

"ISA na ata iyon sa pinakamagandang palabas na napanood ko. Ikaw, Margarita?"

"Yeah, me also." tugon ko na lang.

Kalalabas lang namin ng sinehan and I'm so pissed off right now. Hindi ko nagawa ang plano ko 'cause Leonardo is with us. Inisip ko ng buong oras habang nasa loob kami ng sinehan ang mga plano and in the end wala akong nagawa at piniling manood na lang ng isang black and white movie. Wala akong naintindihan sa pinanood ko but I make sure naman magkatabi si kuya Ignacio at Esmeralda and that is the only thing na nagawa ko na kasali sa plano ko.

"May nais pa ba kayong puntahan?" tanong ni kuya Ignacio.

"Hindi ko alam." I just said.

"Wala rin akong alam na pwede pang puntahan pero kung mayroon sana mas maganda. Hindi naman magagalit si ina kahit medyo gabihin tayo dahil kasama ko kayo." saad ni Esmeralda. She sounds so excited. Para siyang isang bata na gusto pa ng isang adventure time.

Esmeralda's right. Hindi pa namang ganoon kagabi and I know hindi rin magagalit sa amin si ina dahil magkasama kami ni kuya Ignacio.

Tinignan ko ang oras sa relo ko. It's almost six thirty in the evening. Isang oras at mahigit rin ang tinakbo ng palabas. Nakakagutom.

"May alam akong peryang bukas hanggang alas-dies ng gabi malapit dito." biglang saad ni Leonardo.

Perya? Does he mean a carnival? That sounds so fun!

"Talaga? Doon na lang tayo pumunta, mukhang masaya roon." ngiti ni Esmeralda na parang gusto niya nang tumakbo kaagad at puntahan ang sinasabi ni Leonardo.

"Maganda nga roon." segundo naman ni kuya Ignacio. "Ikaw, Margarita?" baling niya sa akin.

"Ano..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang kumulo ang tiyan ko sa gutom. Baliwala ang mga snacks na kinain ko sa loob ng sinehan. I heared Esmeralda's giggled so as kuya Ignacio and I just smiled awkwardly.

"Mabuti pang kumain na muna tayo." suhestiyon ni Leonardo habang sumisilip ang kaunting ngiti sa labi niya. I wonder if he enjoyed the movie.

"Saan mo gustong kumain, Margarita? Maraming masasarap na restaurant malapit dito, pumili ka na lang kung saan ang gusto mo." ngiti ni Esmeralda nang makalabas kami ng sinehan kasabay nang pagpulupot niya ng kaniyang kamay sa braso ko.

Medyo padilim na rin ang labas pero marami pa rin ang mga tao lalo na rito sa banda kung saan maraming restaurant at sinehan ang mga bukas.

"Mmm... hindi ko alam. Ikaw na lang ang magdesisyon." sagot ko sa kaniya. This is for their dates after all kaya siya dapat ang magsabi kung saan kami kakain 'cause it's okay for me kahit mukhang akong third wheel. Oh, there's Leonardo rin pala.

"Kayo saan ang gusto niyo?" baling naman ni Esmeralda sa dalawa na nasa likuran at nakasunod sa amin maglakad.

Habang nakatalikod at abala sa paglalakad, hinayaan ko ang tainga ko na hintayin at pakinggan kung ano ang isasagot nila.

"Ikaw ang bahala..." Si kuya Ignacio. "Masaya na ako kung saan ang gusto mo." dagdag niya pa kaya naman hindi ko naiwasang lingunin siya. At nakita ko kung paano niya titigan si Esmeralda na parang ito lang ang nakikita ng mga mata niya.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon