Kabanata 16

460 26 2
                                    

Kinabukasan napagdesisyunan kong ibalik na ang mga librong hiniram ko sa town's library ngayong araw. Sa tingin ko ay hindi ko na iyon magagamit pa at saka wala naman akong napala roon, ang iba sa kanila ay kailangang gamitan ng time machine para makabalik. Sana naman ako kukuha nu'n?

Anyways, I'm heading to town's library right now gaya nang sabi ko at dapat kong gawin. Pinili kong maglakad dahil sa cute na umbrella na hiniram ko kay ate Luciana kanina. Pakiramdam ko rin ay wala akong energy nang magising ako kaya I decided na maglakad at magbakasakaling magkaroon ako ng gana. Gumugulo pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Leonardo, ni halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Speaking of what happened last night, well nagkaroon ng dramatic moments dahil sa ginawa ni kuya Ignacio pero mukhang ayos naman na ang lahat ngayon except for one thing. We still don't know kung mapapapayag nila ang mga magulang ni Esmeralda at Leonardo sa gusto nilang mangyari. And there's also a big problem, I think I'm in love with Leonardo and I don't know what I'm supposed to do now!

Nang marating ko ang loob ng library ay kaagad ko ring binalik ang mga libro ko. Medyo sinungitan pa ako ng librarian dahil ang tagal ko raw bago ibalik ang mga libro. Mabuti nga ay ibinalik ko pa dahil kung hindi ay baka hindi na nila makikita 'yan.

Paalis na sana ako nang sumalubong sa akin si Esmeralda. Abot langit ang ngiti niya habang magiliw akong kinawayan. Mukhang wala nang makakatalo pa sa saya niya ngayong araw. Sinenyasan niya akong hintayin siya dahil mukhang manghihiram na naman siya ng libro. Siya nga iyong tipong mukhang book worms kung titignan, hindi na nakakapagtaka.

Pareho namang tinahak ang daan palabas ng library hanggang sa tuluyan naming marating ang labas. "Hindi ko alam na magkikita tayo rito, Margarita. Mahilig ka rin palang magbasa." ngiti niya habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Isang beses lang naman akong nanghiram at sinauli ko lang ngayong araw." tugon ko.

"Ganoon ba?" Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi niya. "May gusto akong sabihin sa iyo Margarita pero pag-usapan natin iyon sa isang café malapit dito."

Tumango lang ako dahil naiinggit ako sa ngiti niya. Mukhang kaunti na lang ang problema niya.

Habang hinahayaan ko ang sariling magpahila kay Esmeralda papunta sa café na sinasabi niya isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko hindi kalayuan kaya namang kaagad rin kaming natigil sa paglalakad.

"Ate Margarita!" si Carol na patakbong tumawid ng kalsada para puntahan kami.

Tulad ni Esmeralda ay abot langit rin ang ngiti. Nakakakonsensya kung sasalubungin ko lang siya ng nakasimangot dahil baka masira ko lang ang araw niya. Ilang linggo ring hindi ko siya nakita. "Carol...Ang tagal rin nating hindi nagkita." saad ko nang marating niya ang harapan namin.

Ngumiti siya na parang isang bata, "Dalawang linggo pa lamang po ang lumilipas ate Margarita."

"Tama ba ang narinig ko?" pang-aasar ko. "Parang gusto kong magpa-fiesta dahil sa narinig ko." ngumuso siya pero kaagad ring ngumiti. "Kamusta ka na pala?" usisa ko.

"Mabuti naman po." halata namang mabuti ang lagay niya. Bakit ko pa nga ba tinanong?

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito, Carol? Medyo malayo pa ang bahay niyo mula dito ah." tanong ko dito.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon