Kabanata 13

479 35 2
                                    


Hindi ako pinatulog ng mahabang pag-iisip ko kagabi. Halos buong gabi akong nakadilat habang tulala sa kisame at paulit-ulit na nagre-replay sa isipan ko ang mga sinabi ni Leonardo.

Kahit noong tanghalian ay tulala akong kumakain. Ang akala pa nga nila ina ay sinasaniban na ako dahil sinusubo ko raw ang kutsarang walang lamang kanin at ulam.

Nakakainis pa dahil hindi pa ako nakakamove-on sa pag-iisip ay nito lang hapon ay inimbita kami sa bahay nila Leonardo para sa isang hapunan. Ayoko sanang makita siya ngayon dahil pakiramdam ko ay magugulo at mas dadami ang tanong sa utak ko dahil sa sinabi niya.

Nababahala rin ako dahil baka atakihin na ako sa puso kapag nakita ko pa siya, bigla na lang kasing bumibilis ang tibok ng puso ko kahit iniisip ko lang siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil biglang pumapasok sa isipan ko si Leonardo. Kahit ang pangalan niya lang na pumapasok sa isipan ko ay biglang nagpapatibok sa puso ko at biglang nagpapangiti sa labi ko.

"Nang sa gayon, palagi kong makakasama ang babaeng gusto ko."

Napangiti ako nang maalala ang sinabi niya sa akin kahapon. Hindi ko mapigilan ang mga labi kong huwag ngumiti habang sinusuklay ko ang buhok ko sa tapat ng salamin.

Kung makikita siguro ako nila ina ay baka isipin nilang nababaliw na ako. Bakit kasi nagbibitaw ng mga ganoong salita si Leonardo? Hindi ko tuloy mapigilan ang puso kong huwag bumilis ang tibok ng puso.

"Margarita, bilisan mo na riyan!" Rinig kong sigaw ni ina mula sa baba.

Saglit ko pang tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin para siguraduhing mas lalong aangat ang ganda ko. At saka ako lumabas ng kwarto para bumaba.

"Napakaganda mo naman Margarita" papuri ni ate Luciana sa akin nang makita niya akong bumababa ng hagdan.

"Salamat. Ikaw rin naman" tugon ko sa kaniya nang makababa ako. Saglit niya pang pinasadahan ng tingin ang suot ko habang nakangiti.

"Kanina pa bagsak ang balikat mo. May problema ba?" rinig kong tanong ni ama kay kuya Ignacio kaya naman nilingon ko siya. Ganoon na lang ang lungkot na mababasa sa mukha niya. Nakayuko at nasa baba ang mga tingin niya habang maka-ilang ulit na nagpapakawala ng buntong-hininga.

Bukod sa iniisip ko ang mga sinabi ni Leonardo sa akin, pumapasok din sa isipan ko kung ano ang huling pinag-usapan nila kuya Ignacio at naging malungkot siya nang makauwi kami mula kagabi. Nang makauwi kasi kami ay kaagad siyang umakyat sa kwarto niya at nagkulong. Ngayong hapon nga lang siya lumabas matapos pilitin ni ina na sumama para pumunta sa bahay nila Leonardo.

Pare-pareho kaming natauhan nang isang palakpak ang pinakawalan ni ina. "Handa na ba kayo mga bata. Tara na at baka hinihintay na nila tayo" ngiting saad ni ina at nagpatiuna papunta sa pintuan.

Isang beses ko pang nilingon si kuya Ignacio na nakita kong tinapik ni ama sa balikat nito at sinabayan para lumabas na ng bahay.

"May celebration ba ulit sa kanila?" naitanong ko kay ate Luciana habang nilalakad namin ang daan papunta sa bahay nila Leonardo.

"Wala akong ideya pero ang sabi ni ama may importante raw tayong dapat malaman."

"Importante? Ano naman daw?"

Umiling siya at nagkibit-balikat. "Malalaman din natin mamaya."

Importante? Anong importanteng bagay ang ipupunta namin sa bahay nila Leonardo? Baka naman may meeting nagaganapin. Meeting about sa homeowners association, kaya ba importante? Sa bagay importante nga namang malaman namin ang mga balak nila sa lugar namin. Pero ang mommy ba ni Leonardo o ang daddy niya ang president ng homeowners? Walang nabangggit sa akin sila ate Luciana. Hindi bale na.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon