Kabanata 9

570 39 2
                                    

AFTER a minutes sa paglalakad ay nakarating kami sa isang maliit na bahay. Gawa sa kahoy ang mga dingding at masasabing hindi nasa mataas na pamumuhay ang nakatira dito. But katabi at kadikit ng bahay ay isang shop na hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahang ginagawa sa loob noon.

"Kaninong bahay 'to?" mahina kong tanong kay Leonardo.

"Sa isang kaibigan," tanging tugon niya lang.

Matapos kong tumango ay mayroong isang matandang lalaki na lumabas mula sa shop. Kung gaano niya kabilis  napansin na naroon kami, ganoon din kabilis na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

So, Leonardo has an old friend. A kinda old one.

"Magandang araw po," bati ni Leonardo. Saglit silang nagyakapan at nakakabilib na balewala kay Leonardo ang mga duming maaaring kumapit sa kaniya dahil sa pakakayakap niya sa matandang mediyo napupuno ng dumi ang suot na damit.

I can't stop myself from smiling habang nakatingin sa kanila. I can see the happiness on Leonardo's face. Napakagwapo niyang tignan kapag nakangiti siya. Sana palagi na lang siyang nakangiti.

"Siya ba ang babaeng sinasabi mo?" rinig kong tanong ng matanda habang nakatingin sa akin.

Nawala ang ngiti ko nang lingunin ako ni Leonardo. Saglit niya lang akong nilingon bago muling at tumingin sa matanda. Umiling siya habang nakangiti. "Hindi po siya iyon"

"Ang sabi mo'y magandang binibini ang babaeng tinutukoy mo. E, sa tingin ko'y isang magandang dilag ang nasa harapan ko ngayon. Teka, ilang magagandang binibini ba ang lumalapit sa iyo?" pabirong tanong ng matanda.

Parehas silang nagtawanan. Wala akong nagawa kundi titigan lang sila dahil wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Pumasok na kayo sa loob at mayroon pa akong kukunin dito. Naroon si Carol sa loob. Siguradong matutuwa siya kapag nakita ka niya," saad ng matanda bago muli akong lingunin at lumakad palayo sa amin para kunin ang sinasabi niya.

Sinenyasan ako ni Leonardo para magpatiuna na pumasok sa loob ng shop. Hindi napigilan ng mga mata kong pagmasdan ang bawat sulok ng loob niyon. Maraming kahoy at iba pang mga kagamitan. Saka ko lang nalaman na umuukit ng mga kahoy at iba ang matandang lalaki.

"Isang mang-uukit si manong Pablo. Iyon ang ilan sa kaniyang mga gawa" nabaling ang tingin ko kay Leonardo nang magsalita siya. Itinuro niya ang gawi kung saan nakalagay ang ilan sa mga naukit na ng matanda. Ang ilan doon ay mga santo at santo, ilan naman ay mga iba't-ibang pigura.

"Mayroon ka bang pinagawa sa kaniya?" tanong ko.

Umiling siya, "Hindi iyon ang ipinunta ko rito"

Itatanong ko na sana kung ano ang ipinunta niya rito pero mayroong isang batang lalaki ang lumabas mula sa loob. Kaagad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya si Leonardo. Hindi siya nag-atubili na kaagad na tumakbo papalapit dito at saka niyakap.

"Kuya Leonardo," ngiting saad ng batang lalaki.

Hindi pa man natatapos ang pangyayaring iyon, muli akong napatingin sa pintuan mula sa loob ng isang babae ang lumabas mula doon. She looks like a teenagaer like me but she looks younger.

"Leonardo!" ngiting saad din ng babae matapos lumapit kay Leonardo. Hindi mawala sa labi niya ang ngiti at parang kumikinang ang mga mata dahil sa nakikita, kay Leonardo. Unti-unti ring namula ang kaniyang magkabilang pisngi.

That Summer Day In April 1949 ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon