Chapter 8

19 1 7
                                    

Nakangiti siya ngayon habang binabalikan ang pangyayari kanina nang kasama si Cedric, naitawid niya ang isang araw sa klase ngunit hindi pa rin nabubura si Athena sa isip niya. Hindi niya na kaya.


Natawa na naman siya nang maalala si Cedric, nag seselos yata, eh.


"Who's that? You're giggling, enjoy, ah," sabi pa nito at umiirap na.


"Si kuya Saji," pagkasabi niya niyan ay humagalpak siya ng tawa. Kuryoso pa rin ang mukha ni Cedric ngunit mas malumanay ang itsura, ganoon pa 'man, naka-taas pa rin ang maninipis niyang kilay.


"Sino naman 'yun?" 


"Luh, kuya ko!" Tawa pa rin siya ng tawa, papaano ay napaka clueless ng kasama niya. 


"Why Saji?" Na-seryoso siya sa tanong.


Natapos siyang mag isip nang may bumagabag na naman sa kaniyang isipan. Naalala niya na naman ang nasa papel, masama ang kutob niya rito, dahil kasama na naman niya kanina si Cedric. At bakit ba hindi niya ito magawang iwasan?


Kinabukasan, maaga siyang pumasok at hindi dinaanan ang kaibigan kaya naman nakita niya ang grupo nila Abigail, agad siyang kinabahan kaya dumeretso na lang sa building nila.


"Accountancy!" sigaw noong si Abigail. Agad naman siyang lumingon at patay malisyang tingin, nagtali siya ng buhok na mababa. Wala ni isang ikot kaya isang agresibong galaw ay matatanggal ito.


Tinaas niya ang parehang kilay at takang nakatingin, halos napahaba ang maliit na mukha at napa bilog ang labing hugis puso. 


"Act innocent," tawag ng kaklaseng si Jimuel.  Umiling lang siya at akmang aalis ngunit nabangga niya si Cedric kaya ito na rin ay huminto, takhang tumingin sa dating nobya at ngumisi naman ang dati nitong kasintahan.


"Kamusta si Athena? Send my condolences to her family." At tumawa. Hindi niya mapatawad ang bibig ng Abigail kaya lumapit siya rito matapos ibagsak ang mga gamit. Hinila niya ang buhok nito kahit na alam niyang hindi siya marunong makipag away.


"Bawiin mo 'yan, sasampalin kita," nasabi niya.


Hindi niya napigilan ang sarili kaya niya iyon nagawa. Pinigilan naman siya ni Cedric dahil sa isip isip nito, hindi kakayanin ni Skylar si Abigail.


Pinagpag naman ni Skylar ang kamay ni Cedric, hindi kasi dapat iyon nakikita ni Abigail.


Nang umayos nang tayo si Abigail, nagulat siya sa kamay nila kaya naman sasampalin niya na dapat si Skylar ngunit pinigilan ito ni Cedric.


"Don't you dare touch my girl," At umalis na siya habang hawak pa rin si Skylar.


Naiwang gulat at tulala roon si Abigail at napasinghap, "hindi kita palalampasin."


"Bakit mo sinabi 'yon?!" Pasaring niya kay Cedric.


Hindi siya nito pinapansin, sa halip ay sinasala ang pearl sa milktea.


"Ano?! Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kapag isipin nila iyong sinabi mo?" Tila napang hihinaan ng loob na sinabi niya.


Nag aalala siya sa papel at ang lalim ng hinga niya.


"Ano ba? Tell me," malumanay na sinabi ni Cedric na umiinom na ngayon.


"Nakita ko 'tong papel na 'to," sabay abot niya ng papel sa gilid ng bag.


Nanlaki ang mga mata ni Cedric ng makita iyon kaya hindi agad nakapagsalita, pero alam nito ang gagawin.


"You should tell her mom about this so no one from those bullies can come inside her room, ‘wag mo 'yon masyado isipin," kinindatan siya nito.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon