Chapter 11

19 2 10
                                    

"Salamat," isinambit niya nang nasa kanto na sila ni Jay.


Hinatid siya nito hanggang sa kanilang bahay, katwiran baka nagpasagasa raw. Hindi naman niya iyon gagawin.


"Dito na lang? Sure ka hindi ka haharang sa daan?" Natawa siya sa sinabi nito.


"Hindi nga! Grabe ka."


Kaya hanggang kanto lang siya dahil baka makita siya ng magulang, pero parte na rin nito na sana ay hindi nito alam ang bahay nila.


"Oo na, sige!" Tumatawa pa itong tumalikod at umalis na.


Sumakay lang ito sa pampasaherong sasakyan dahil walang dalang pansarili.


Tunalikod na siya ngunit nagulat siya sa bumalandra sa harap niya.


"Have you replaced me?"


Hindi niya iyon inimik at sa halip ay nilagpasan ito. Akma na siyang liliko pero bigla siyang hinawakan sa braso.


"Why don't you answer? Ang bilis mo naman mag palit!" Pasaring nito kaya naman agad na may namuong galit sa ulo niya.


"Ako nga, nag break na tayo bago mag palit. Ikaw hindi pa tayo break may iba ka na."


Tumalikod na lang siya ulit matapos sabihin iyon ngunit hindi na naman natuloy ang pag alis niya dahil pinigilan siya ulit ni Cedric. Hinawakan siya sa kamay.


"We broke up?" Para bang takang tanong nito."


"Matapos ng ginawa mo sa tingin mo tayo pa?" Binalik niya ang tanong dito na nakapag pabuntong hininga kay Cedric.


"But... Can you give me a chance?"


Umiling siya dahil hindi niya kaya iyon. Hindi niya masasabing hindi siya nasaktan pero sa totoo lang ay para siyang nauntog at nagising sa katotohanan.


Na hindi niya kailan man minahal si Cedric. Kung may naramdaman man ito sa kaniya. Hindi iyon pagmamahal. Galit iyon sa ngayon.


"Why? Kasi may bago ka na?" Sinumbat pa nito kaya mas tinignan niya ito na puno ng galit ang mata.


"Pinsan 'yon ni Athena, nag kita kaming simbahan." Ni hindi niya alam kung bakit pa siya nagpapaliwanag.


"Then why you won't give me a chance?"


"All I felt towards you is just infatuation. Hindi ko masasabing minahal kita dahil hindi ako nasaktan nang makita kang may iba. Nagalit ako, kasi nagawa mo ‘yon." Huminto siya sandali pero nag salita ulit. "Sorry, pero akala ko mamahalin kita, pero sinira mo iyon nang makita kitang may iba."


Nagulat si Cedric kaya binitawan nito ang kamay niya. Tila hindi ito makapaniwalang galing iyon sakaniya.


"I couldn't say I'm not hurt. But I'm sure it wasn't because you're with someone else. It's because you fooled me when I'm willing to be in a progress to love you."


Hindi siya makapaniwala sa sariling sinabi. Hindi niya alam bakit hindi niya ito masabi sa tagalog ngunit nasabi niya naman ang nilalaman ng isip niya.


Tumalikod na si Cedric at iniwanan siya kaya naman umalis din siya. Kapag uwi niya, mayroong nag DM sakaniyang hindi niya kakilala. Langit ang picture nito.


"Wew, strange," napasabi siya dahil ang picture na pinopost din nito ay puro langit.


hjunvelssico:

Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon