Chapter 12

18 2 23
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Binuksan pala ni ninong ang kurtina ng kwarto ko.


"Naospital daw si Athena kagabi, ah..." Sabi ni ninong. Nagulat ako ro'n.


"Hala nong, bakit daw?" Syempre tinanong ko rin kaagad kay ninong iyon.


"Nakita na lang daw bigla na naka handusay sa condo mag isa."


Naka handusay? Edi patay na 'yon? Watda pakening shet?


"Amp?" Nasabi ko lang. Nag tataka kaya ako, bruh.


"Pero buhay, tanga mo, Heaven," tumawa si ninong.


"Gagi, nong, nakahandusay sabi mo, eh. Ang panget mo pumili ng salitang gagamitin!" Nag kunwari akong naka hawak sa mukha ko at mata lang ang litaw tapos naka harap ang isa kong kamay sakaniya. Para bang diring diri ako sakaniya.


"Uuwi ka?" Nalungkot ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung kakayanin kong maka uwi...


Malapit na ang finals kasi patapos na ang sem? Bali sana doon sakanila na medyo malayo layo pa.


"Hindi ka uuwi, ‘no? Aral ka na lang, boi!" Binatukan ako ni ninong tapos muntik pang tumaob ‘yung wheel chair niya.


"Ingat naman diyan, nong! Mahirap maging tanga," tumawa ako.


"Syempre expert ka do'n." Umirap si ninong tapos lumabas na rin ng kwarto ko.


Sinundan ko naman siya at bilang malaki naman ang bahay, kinausap ko siya sa hallway.


"Nong, nga pala, si Sky, kailan mo 'yun babalikan?" Tinanong ko dahil baka malungkot 'yon ngayon.


Nasa ospital si Athena, sino'ng kasama no'n? Base sa kwento ni Athena lagi iyong malungkot. Hindi ko naman alam ang bakit pero naikekwento 'yun ni Insan.


Ang gara, ‘no? Joy pa man din ang pangalan, malungkot.


"Hindi ko alam," bumuntong hininga si ninong. Naaawa ako sakaniya. "Sobrang galit sa akin ang asawa ng Mama ni Sky, nangako naman na iyong sakaniya na si Sky. Ginawa nga naman akong kabit, anong karapatan kong maging ama ng anak ko? Kung hindi ako kabit, baka kuhanin ko pa si Sky."


"Eh, nong, bakit ka ba naging kabit? Payag ka ng gano'n?" tanong ko pero hindi ako nang iinis, bruh, seryoso ako minsan.


"Hindi naman sinabi sa akin na kabit ako, boi, bakit parang kasalanan ko?" bumuntong hininga si ninong. Ang bigat!


"Oo nga, nong, sa asawa talaga dapat ang bata. Pero dugo mo 'yun, bakit 'di mo idemanda? P'wede ba 'yun?" Nag tataka ako. Ang complicated naman. Amp.


"Pwede? Hindi ko rin alam, gago. Wala naman akong alam sa ganiyan."


Natawa pa rin ako. Parang tanga si ninong, seryoso, e.


"Nangako naman kasi siyang aalagaan, siya naman ang legal na asawa kaya hinayaan ko na lang. Aantayin ko sanang makatapos si Sky ng pag aaral para kuhanin siya. Makakapag desisyon na siya no'n, ‘no?" Napa tango tango ako.


"’Di ba dapat kapag legal age, nong?" Tinanong ko. Pwede na 'yon mag desisyon, eh.


"Oo nga, pero nag aaral pa rin kasi. Baka maguluhan siya sa magiging desisyon niya kasi ang layo ko."


Dati ko pang kilala si Sky dahil anak siya ni ninong at kaibigan ng pinsan kong si Athena.


Naikwento pa nga ni ninong na siya ang nag bigay ng pangalan ko. Mas matanda kasi sa akin si Skylar ng tatlong buwan. Nang malaman ni ninong na Sky ang pangalan, hanep, bruh, pinangalanan akong Heaven.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon