"I'm courting you."
parang umecho-echo sa tainga niya iyon, nagpapantig na nga ang tenga niya sa kauulit dito.
"Athena, liligawan daw ako?" Kausap niya sa unconscious namang kaibigan. Gusto niya mag-kwento rito ngunit ganoon lang ang paraan niya sa ngayon.
At sa oras na maiiyak na siya ay may narinig siyang yabag ng bata, "mama! Si... Si papa!" Napa-tayo naman siya nang makaramdam na interesante siya roon, sa hindi malamang dahilan.
"Oh, anong meron kay papa, beh?" Tanong ng isang maputing babae na siguro'y kapatid ng bata.
"Ate, ate, gising na si papa!" Masayang kwento ng bata. Napangiti siya r'on. Bagay na hindi niya naranasan.
N'ong maaksidente naman kasi sila ng daddy niya, dead on arrival. Hindi niya naranasang maka tanggap ng ganoong balita.
Grade 3 siya n'on,
"Daddy, thank you po sa pag sundo. Alam mo, daddy... Ang cute cute ni Samara!" Kwento ng batang si Skylar sakaniyang daddy. Naka-sakay sila sa motor.
"Mas cute 'yun, anak, kung ako pala ang tatay," tawa pa ng ama niya.
"Daddy, sa bahay ka na kasi?"
"Hindi nga pwede, anak, may asawa ang mama mo."
"Daddy ayoko na doon, eh. Si kuya Samuel lang ang mabait sa'kin saka syempre si Sam." Kwento ng maliit na si Skylar.
"Bakit? Ang papa?"
"Daddy? Ikaw lang po papa ko," paliwanag niya at biglang napapikit sa malaking liwanag. Parang may truck at ramdam din niya na magulo ang maneho rito. Tatabi yata sila.
"Ah, Skylar, ayaw mapindot ng preno? Talon ka, 'nak, kaya kong mabunggo. Ikaw hindi pa," explain ng daddy niya kaya yumakap siya rito. Ayaw niyang iwan. "'wag pasaway, anak, kaya ko kasi, ikaw hindi. Iyon lang," walang halong tarantang sabi ng daddy niya kaya naman tumalon na siya. Tiwala siya sa daddy niya eh.
Nabagsak niya ang tindang mani at sampaloc sa harap ng plaza na pinangyarihan ng insidente, itinayo siya ng tindera kahit nagkahulugan ang paninda.
"Ate, so-sorry po..." Sabi niya pagkatayo at na-ngiti ang tindera.
"Okay lang, 'no! Ikaw nga r'yan," ngiti ng tindera kaya naman bumalik na siya sa daddy niya ngunit nagulat siya sa dugo.
"Uhm ate," tawag niya sa tindera sabay turo sa daddy niya. Nagulat ang tindera at biglaang bumagsak sanhi ng pagkahilo.
Nagising siya sa isang mahinang tunog ng makina, napatingin siya r’on. Iyon ang makina sa tabi niya. Para makahinga siya ng maayos, nasa hospital siya, eh.
"Mama? Si... Daddy?" Bungad na tanong niya sa mama niyang nakabantay.
"'nak, dead on arrival," walang dalawang isip na nasabi ng mama niya at hindi niya naman 'yon maintindihan. Hindi siya naniniwala.
Hanggang ngayon hindi siya naniniwala sa pagkamatay ng daddy niya, nakalayo na kasi siya r’on, minsan lang talaga niya makasama ang daddy niya. Nasa malayong lugar. Pagkalabas ng ospital umuwi na sila, ng hindi niya nakita ang ama maski sa lamay.
Wala siyang mahanap na kahit anong clue na buhay pa ang papa niya ngunit kaonti sakaniya ang umaasa. Pero alam niyang mas lamang ang imposible.
BINABASA MO ANG
Depression (Completed)
TienerfictieAno nga ba ang saluobin ng isang babaeng iniwanan ng kasiyahan at tinalikuran ng kaliwanagan? Samahan si Skylar Joy Marina, siya ang babaeng masaya ang pangalan ngunit kalungkutan ang mayroon sa kalooban. Gabi gabing maraming dahilan, para iyakan. W...