Chapter 7

30 2 2
                                    

Nanginginig siya ngayong nakahiga sa kwarto, sa totoo lang, hindi malamig. Pero napapanindig talaga ang balahibo niya, sa mga oras na ito ay hindi siya puwedeng lumabas kahit bumili ng ulam kasi nga naman ay baka tumakas. Nalaman na ng magulang niya na nag cut siya ng 2 subjects para kay Athena.


"Ay, hala," nasabi niya bigla. Naalala niyang baka pati si Cedric ay nag cut para hintayin siya.


Dali dali siyang umupo at inabot ang cellphone sa tabi ng lampshade.


[Hello?] Sabi sa kabilang linya. Mukha naman iyong hindi pa natutulog kaya alam niyang hindi siya nakaabala... Sa pag tulog. Hindi niya naman alam kung may ibang pa iyong ginagawa.


"Uh," bungad niya. Hindi alam ang sasabihin. Bumuntong hininga siya at humiga ulit. Narinig niya ang pag sarado ng pinto at tila may nag aayos na. Humiga rin si Cedric sa kaniyang palagay. At gano'n nga talaga.


"Nag... Cut ka rin ba?" Napapakagat labing tanong niya. Para niyang finiflirt daw kasi si Cedric.


Oh right. Naalala niya bigla ang papel na napulot niya. Binaba niya ang telepono ng walang pasabi. Kinabahan siya bigla. Ayaw niyang mawala si Athena dahil sakaniya.


Humiga na lamang siya at niyakap ang unan ngunit tumunog na naman ang cellphone.


From: Cedric.

Yup... Isa lang, though.


Napapikit siya. Nag cut pa rin. Ang bad influence niya ro'n.


Nag scroll siya sa instgram dahil nga nawala naman ang antok niya. Hindi siya makakatulog sa sinabi ng papel.


Napahinto siya sa pag sscroll niya ng matagpuan ang IG story ni Cedric. Hindi nag notif sakaniya iyon, pero...


Milktea na naman? Sabi sa isip. Hindi niya alam kung bakit maraming mahilig sa milktea ngunit siya ay hindi. Umiinom siya no'n ngunit hindi kasing hilig ni Cedric.


Nakatulog siya ng hindi namamalayan. Pagka gising niya ay nag ayos na siya para sa klase at para dumalaw saglit kay Athena. Mas inagahan niya at alam niyang hindi siya magka-cut dahil hindi na siya matutulog.


Gano'n lang, mga tatlumpung minuto siya roon at pumasok sa klase.


Hindi sila nag kita ni Cedric dahil masiyadong malayo ang building nila sa building ng course nila sa isa't isaa. Inagahan niya rin ang uwi para hindi siya sundan ni Cedric. Naka ilang tawag din ito sakaniya. Alam niyang hinihintay siya nito sa hindi malamang lugar sa harap ng school. Do'n din sa kinauupuan niya dati may hawak na milktea. Pink and green. Kaya't hindi niya sinasagot ang tawag.


Pero noong mag text ito ay tiningnan niya na.


From: Cedric.

You ghosting me?


Nagulat siya sa text. Hindi niya sadya. Hindi niya intensiyon iyon.


To: Cedric.

Hindi, ah. Busy ako, bakit?


From: Cedric.

domt make me hope hs


Nagtaka siya sa text na 'yon.


To: Cedric.

Nakakalasing ang milktea?


From: Cedric.

So you knew?


From: Cedric.

sntok lang akk


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon