Chapter 4

32 3 0
                                    

Napawi rin naman kaagad ang ngiti niya ng makita na nag add ng IG story si Cedric kaya ito nag bukas. Akala naman niya ay nag chat na ito ng makita ang username na nakadisplay sa screen. Tinapos niya ang pagkain at walang ganang umakyat ito sa kwarto niya at nag bihis kaagad. Long sleeves na pastel pink at black na short, hindi gaanong maiksi pero halos nasa gitnang hita ito. Slip on na slipper na itim at nike saka nag pusod ng buhok. Naka cat ear na head band din siya. Gagala siya sa labas at bibili ng pang agahan bukas.


Ilang sandali pa ay kumatok siya sa kwarto ng mama at papa niya at nagpaalam sa papa niya lang. Tinanguan lang siya nito. Hindi sila madalas mag-pansinan ng papa niya. Hindi mabait sakaniya pero hindi rin naman siya sinusungitan.


Well sa lagay niya, oo at nakararanas siya ng depression pero hindi naman niya ito pinag-kakalat. Si Athena na kaibigan niya lang ang may alam nito at hindi niya pa iyon sinabi. Malamang sa araw araw na mag kasama silang dalawa lang ito niyon nalaman.


Kasalukuyan siya sa palengke at naka bulsa ang cellphone ng nag vibrate. Nakakaramdam pa rin siya ng guilt sa sinabi kay Cedric at naba-bother siya roon. Paano ba naman kasi matabil din talaga ang dila niya. Siguro mas maaatim pa iyon noong tao kung sinabi niya iyon ng pataray. Pero hindi, eh, seryoso siya kaya kung siya rin naman ang sasabihan sa ganoong paraan hindi niya rin naman magugustuhan kaya naiintindihan niya na ganoon na lang ang nagging reaction ni Cedric. Naalala niya na nag vibrate ang cellphone niya kaya tinignan niya ang screen.


Nag IG story ulit si Cedric, isa itong poste at katapatan lang iyon ng view sa camera kaya napatingin siya sa kabilang kanto at sinilip ang poste doon. Nandoon nga si Cedric! Umiinom ito ng milktea at nag titipa sa cellphone. Nag vibrate ulit ang phone niya sa myday ng ibang tao pero ipinagsa walang bahala niya iyon at tinignan ang binibili niya.


"Ate... Balikan ko po 'yan, ha," aniya sa tindera at nginitian ito.


Nag lakad naman siya patungo sa direksyon ni Cedric sa hindi kalayuan at huminto ng limang metro na lang ang pagitan nila at napukaw din naman niya kagad ang atensiyon ni Cedric. Nang ma-realize ni Cedric na siya iyon, ibinalik nito ang mata niya sa cellphone.


"Sorry," Panimula niya. Nagulat naman siya nang magsimulang mag lakad si Cedric palayo sa direksiyon niya at hinabol niya naman ito ng patakbo. Mahaba kasi ang mga binti ni Cedric kumpara sakaniya.


"Huy, sorry," Ulit niya at nilingon naman na siya ni Cedric at ngumisi. Tinuro ni Cedric ang sarili at pinawi ang ngisi sa labi.


"Ako ba?" Tanong nito, parang 'yung tanong niya noong hapon, ganoon.


"Oo, sorry..."


"No need to say sorry," Ngiting asong sabi nito at nag lakad na palayo.


"Huy, sorry na talaga," sabi niya at yumuko. "Ayoko kasing magulo pa nila 'ko kapag nakita nilang sumusunod ka sa 'kin. At saka..."


Huminto siya, ni-hindi niya kasi alam kung bakit ba siya nag papaliwanag dito?


"Na-guilty ako, ang harsh ko pala masiyado. Sorry." Nilipat niya na ang tingin niya kay Cedric at nagulat siya ng may kaunting siwang sa labi nito tanda na nagulat ito sa sinabi niya. Umiwas siya ng tingin dito at pormang aalis na dahil tumalikod na siya


Naka recover naman agad si Cedric noong umalis ng tingin si Skylar at nagsalita, "Ah... Sige, okay lang."


Huminto naman si Skylar sa pormang mag lalakad at nilingon si Cedric. Ngumiti siya ng bahagya.


Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Cedric, "sa isang kondisyon." Sabi ni Cedric na nagpawala ng ngisi niya at pumalit ang mukha niyang nag-tataka.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon