Epilogue

26 2 10
                                    

Masaya. Iyan ang nararamdaman ko sa huling nakaraang tatlong buwan, ni-hindi ko kailan man inasam na magiging mabuti pa ang pakiramdam ko. Magiging masaya pa pala ako?


"Hoy!" Pukaw ni Heaven sa atensyon ko dahil narealize na rin siguro niya na tulala ako.


"Ano na naman," sinabi ko at umirap.


Nandito kami sa puntod ni Athena, dumalaw kami rito dahil malapit na siyang umuwi. Mag tatake siya ng summer class dahil hindi siya naka graduate agad dahil may na-miss siyang sem. Pero sabi niya madali lang naman daw ayusin iyon dahil hindi pa rin nag gagraduation ang batch niya. Kaso magiging masikip ang schedule niya. Kata ngayon uuwi na muna siya sa Nueva Ecija, at bilang wala naman akong gagawin, sasama ako sa kanila ni Daddy.


Hindi pa rin tapos ang sessions ko dahil minsan inaatake ako na, 'paano kung temporary lang 'to?' Pakiramdam ko mamamatay na 'ko pag binawi pa lahat ng 'to, eh.


Hawak hawak niya ngayon ang pusang si Savana. Si Sam ang nag bigay ng pangalan sa kaniya, eh.


Nag iisip lang ako, ito ba ang purpose ng pagkawala ni Athena?


Nakita ko si Daddy na papalapit kaya tumayo na 'ko, alam mo kasing paalis na kami. Sinundo kami ng kotse ng tatay ni Heaven. Si Daddy ang nag abang sa labas kaya nang pumasok siya ay alam king paalis na kami.


"Hawakan mo nga si Sav," sinabi niya dahil siya ang may hawak ng mga gamit.


Kinuha ko naman si Sav at sinundan si Daddy papuntang kotse. Nilagay ko siya sa pagitan namin ni Heaven at nakita kong natulog siya roon.


Dalawang buwan nang umaattend ng summer class si Heavem kaya puyat na puyat siya, kung ang mga kaklase niya ginawa ang mga gawaing ibinigay sa kaniya ng apat na buwan, siya dalawang buwan lang. Hindi naman ako tumutulong dahil nag rereview lang din ako para sa boards. Marami pa 'kong pag dadaanan para maging isang ganap na accountant pero handa akong mag hintay para roon. Sa ngayon ay mag pupursigi ako para mag aral.


"Hoy," tinawag ako ni Heaven dahil nandito ako sa sofa na nag aaral.


"Ano na naman?" Lagi niya kasi ako ganoon batiin.


"Napasa ko na lahat! Ipa-finalize na grade ko, papasa kaya ako?" Masaya pero nag iisip pa rin na sabi niya habang nag aayos siya sa sofa.


"Feeling ko, boi, hindi, no offense," sumingit si papa kaya binato siya ng sapatos ni Heaven. Hindi naman tinamaan si Daddy pero tawa nang tawa si Daddy roon.


"’Pag ako, nong, pumasa..." Sabi nito at nag tapat pa ng dalawang daliri sa mata at tinapat din kay Daddy.


Matapos no'n, petiks naman na si Heaven sa bahay kaya puro ako na lang ang nag rereview. Nagulat ako nang bigla siyang kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko kaya agad ko itong binuksan.


"Tara! Tignan natin listahan ng mga ga-graduate!" Sabi niya kaya lumabas din ako kagad at binato iyong highlighter na dala dala ko pa papuntang kama ko.


Sinabi niyang kami raw muna kasi hindi niya pa kaya. Feeling niya raw hindi siya papasa.


Parang... Parang wala?


"Heaven, wala yata, eh," sinabi ko. Bigla naman siyang bumuntong hininga kaya binigyan ko siyang thumbs up, binatukan naman ako ni Daddy bigla. "Aw! Bakit?"


"Tanga iyan, oh, Heaven Jun Velssico, Bachelor in BS Technology Engineering." Sabi ni Daddy na parang seryoso kaya tinignan ko ulit. Meron nga!


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon