Chapter 9

15 2 12
                                    

Huling araw na ng lamay ni Athena kaya naman nasa bahay na muna si Skylar para mag pahinga dahil mamaya ang huling gabi, maraming tao.


Pag bukas niya ng pinto ay natuwa siya dahil ang kaniyang kuya ang nag bukas. Ang ngiti niya ay bakas ang pag pepeke, hindi mapag kakailang nawalan siya nang lakas sa oras na malaman ang balita.


"Ano, Skylar, ilang araw ka nang hindi umuuwi, ah? Ano'ng balak mo sa buhay mo? Hindi ka rin pumapasok ng eskuwelahan, ano, ha? Lumalandi ka, ‘no?" Bungad ng mama niya.


Naiinis siya dahil hindi siya maiintindihan ng mama niya. Naiinis siya dahil alam niyang wala siyang kakampi.


Pero gaya ng palagi, hindi na lang siya umimik, katwiran sa sarili'y wala siyang mapapala. Hindi siya mananalo.


"Napapagod na 'ko..." Sinabi sa sarili.


Palagi niyang naiisip, salamat sa nobyo't may lakas pa siya at nakakasama. Palagi rin siya nitong pinapatawa kahit alam niyang mahirap gawin iyon. Natutuwa siya kahit papaano dahil naiintindihan siya nito.


"Uy, Skylar," tawag sakaniya ng kaklase.


Nang makita niya ang mukha ng mga iyon ay agad nag init ang dugo niya, isa ito sa mga nang banta kay Athena, kaya kahit pa kinulang si Athena sa hininga na ikinamatay nito, ayaw niya itong makita.


"Ano?" Sinagot niya pa rin kahit may bahid na iritasyon. Mabait siya, palagi.


"Condolence for you, Sky, I want to sabi ng sorry sa'yo because I was rude sa iyo. I already tanggap naman na na Cedric is not para sa akin, maybe our relationship is tapos na talaga," gumaan ang pag hinga niya nang marinig ang mga sinambit ni Abigail.


At least nga naman ay nag sorry ito at hindi na siya guguluhin, kahit pa namatay ang kaibigan.


"Wala akong ibang kaibigan kung hindi si Athena lang kaya naiintindihan ko ang mga binanta niyo pero sana alam niyong hindi maganda ang gano'n, mapangit ang gano'n," paalala niya. Ngumiti pa rin siya kahit mapait itong tignan.


"I was mabait naman to Athena, eh, she's my kaibigan nga, actually. I don't like you lang talaga because you're always mag isa if Athena's not nasa paligid," nag peace sign ito pagkatapos ng sinabi.


"Ako rin, bruh, sorry," nag salute sign si Jemuel sa kabaong ni Athena. "Bruh, ang ganda mo pala. Sana nakita kitang matulog sa school dati para niligawan kita, ‘di ka sana namatay."


"Hey, Jemuel, ang rude na, don't make ulit na. I can see the lungkot in her eyes."


"Hala, okay lang, upo nga kayo!" Sabi niya at ngumiti.


Mukha siyang puyat. Walang ayos. 'Pag ngiti niya namumuo ang eye bags.


Umupo naman na sila Abigail at hindi na siya ginulo sa pwesto niya. Nakikipag usap lang siya sa mga dumarating at inaalok ng pagkain tapos tatabihan ulit ang kabaong, habang andiyan pa siya ay susulitin na niya.


"Hi my love," nagulat siya sa dumating at ngumiti.


Naalala niya ang rason kung bakit hindi siya sumusuko.


"Hi! Kumain ka na?" Masiglang tanong niya kahit na malungkot siya. Natatakot siyang iwan, eh.


"Not yet, how about you?"Naka ngiting tanong ng nobyo.


"Syempre hindi pa rin, pero mamaya kakain na 'ko," sabi niya.


Hindi siya iyong tipo ng namatayan ay hindi kumakain, sa bahay ay hindi na siya umuuwi dahil alam niyang wala siyang mapapala roon hindi gaya kapag kasama niya si Cedric.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon