Chapter 15

18 2 10
                                    

Lagi na kaming nag d-DM ni Heaven at alam ko na rin naman ang feelings niya sa'kin.


Nirespeto niya rin ang pag tanggi ko at mag kaibigan kami ngayon, actually, mag kikita nga kami bukas! Celebration ng graduation ko at mini handaan sa bahay namin.


Kaunti lang ang inimbita ko kaya kaunti lang din ang dumating. Si Heaven at pamilya lang ni Athena, ang karamihan ay kaibigan ng mga kapatid ko at ng Mama ko. Si Daddy nandito rin at hindi siya iniimik ni Mama.


"Sky," napamulagat ako nang matagpuan si Sam sa tabi ko.


May inaabot siyang box sa'kin kaya takha ko siyang tinignan pero umalis na siya kaagad. Umupo ako sa upuan at sinubukang tignan kung ano iyon at nakita kong ulap na silver necklace. May nakalagay ding papel sa ilalim na banda ng loob. 'Sorry' ang nakalagay doon kaya napangiti ako. Ayos na yata ang lahat.


"Bruh!" Nakakagulat na bati ni Heaven at hinablot ang hawak ko. "Ganda, ah, lagay ko, bili."


Umirap ako sa sinabi niya dahil napaka pala desisyon niya pero tumalikod pa rin ako at pina lagay ang kwintas.


Napangiti ako at umalis na roon pero kasama pa rin siya dahil niyaya ko siyang kumain. Pagka sandok ng pagkain ko ay iniwanan ko na rin siya dahil ang nilapitan ko naman ay si Daddy.


"Dy," bati ko. Nginitian naman niya 'ko.


"Sky, alam mo ba, matagal nang alam ni Heaven ang karamihan sa'yo? Sa malamang hindi niya sinabi, bobo 'yon, eh," natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Daddy. Nasa likod lang si Heaven, eh.


"Bobo mo, Nong," sabay tumawa sila parehas.


Natutuwa ako sa samahang meron silang dalawa. How I wish ganiyan din kami ni Daddy pero hindi pa, hindi ko siya masisi dahil 11 years ago pa ang huli naming kita.


Tumayo na muna ako dahil tinawag ako ni ate Sheera.


"Oh?" Bungad ko sa kaniya. Hindi naman niya yata iniintindi ang galang sa'kin.


"Sino 'yun? Pogi, ha," may tinuturo siya kaya naman tinignan ko.


Napakunot ang noo ko nang wala akong makita kaya naman bumalik ang tingin ko sa kaniya. Tinuro niya lang ang iisang direksyon kaya naman pag tingin ko ay akala ko wala pa rin akong makikita pero mali ako dahil nakita ko si Cedric.


Agad ko namang binalik ang tingin ko kay ate dahil doon. Hindi ako makaramdam ng kahit anong affection sa kaniya pero hindi ko nakalimutan ang sinabi ni ate.


"Pogi, who?" Sagot ko sa tonong parang nakikipag 'knock knock, who's there' siya sa akin.


"Ayun, oh! 'Yung matangkad, saka payat pero pwede na!" Describe pa ni ate kay Cedric. Kung alam mo lang ate.


Nakita ko ring biglang lumapit si kuya Saji kay Cedric kaya naman lumapit ako hindi para makisali kung hindi para makirinig lang. Iyon kasi ang una kong nakita n'ong lumingon ako ulit sa gawi na 'to.


"Bakit ka nandito? Sino'ng nag imbita?" Tanong ni kuya kaya alam na siguro ni Cedric na sinabi ko kay kuya iyong sa 'min.


"A friend, he brought me here," tapos tinuro niya iyong isang lalaking matangkad din na naka mushroom hair style.


Mukha lang kalmado si kuya pero nakita ko 'yung kamay niya, nang gigigil. Natawa ako sa reaksyon niya kaya lumapit na 'ko.


"Kuya, hiramin ko muna si Cedric," natawa ako.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon