Special Chapter

19 1 2
                                    

"Tangina, Ninong!" Napasigaw ako sa nakita ko, tinawag ko kaagad si ninong! Pumasa na si Skylar sa board, for the second time na nag take siya, bruh!

"Bunganga mo namang hayup ka," reklamo ni ninong pero lumapit pa rin para maki usisa sa kanina ko pa tinitignan dito sa laptop ni Sky na iniwan niya bago siya umuwi para mag take ng boards.

"Gago, Boi! Anak ko 'yan, ah! Skylar Joy Marina!" Tumawa si ninong at saka muntikan nang maiyak, bakla yata 'to, eh.

"Bakla ka, 'nong?" Tumawa ako. Nag lakas na muna ako papalayo at iniwan ang laptop ni Sky, pumunta na muna ako sa kwarto para tawagan ang bebe ko! Matalino, Pare.

"Congratumelations!" Panloloko ko, pagka sagot pa lang niya.

"Thank you! Nag iisip na nga ako kung paanonko itutuloy, dito ba or jaan? Mag eearn akong experience!" Natutuwa ako sa boses niya.

Hanggang ngayon, masaya akong kasama niya 'ko sa pag galing. Alam kong hindi ako ang dahilan nang pag galing niya pero parte ako noon.

"Diyaan, wala naman akong gagawin," agap ko sa kaniya. Nalilito pa siya, eh.

Ganoon nga ang nangyari, nasa kanila siya nag tuloy ng mga process at pag earn nang experience, natutuwa ako dahil improving siya. Ang confidence niya rin ay tumataas, ang tiwala sa sarili pati na rin ang fighting spirit.

Minsan dumalaw ako sa pinsan ko, naisip ko lang. "Ito ba ang purpose mo?"

"Masaya ako, Athena. Masaya ako na nakasama ko siya, ilang taon akong humanga at nag claim na crush ko siya. Ilang taon akong tumuklas ng mga bagay sa kaniya, hindi ko aakalaing pag nakita ko siya, maaalala ko lahat ng alam ko," napa ubo ako. "Hindi ko alam na sa simpleng crush, o pagka gusto kong makilala siya, o makipag kaibigan ang makakapagpa-realize sa'kin na mahal ko siya."

Napangiti ako, Skylar, my girl, mine. My girl.

Isa na siya ngayong ganap na accountant nang isang bangko, pagod siya noong una pero nang tumagal, nakikita ko na sanay na siya, at nag eenjoy. 

"She has all the charm she deserve." Ayan ang sinabi sa'kin ni Athena, at dahil maganda ko naman siyang pinsan at best friend ni Sky, sa puntod niya napili kong magpakita kay Sky. Makipag kita sa araw na hihingin ko ang kamay niya, na makasama siya sa habang buhay. Iyon ang gusto ko.

Nang makita ko siya, pinakiramdaman ko ang pag lapit niya at nag umpisang mag salita. Tumalikod ako nang mag salita.

"After reminscing those memories, on how we got here and how we got through the challenges, after 2 and a half years." Humarap ako sa kaniya, nginitian ko siya pero nag tataka pa rin ang mukha niya, bruh.

"I am sure with what I'm saying and I was sure, from the past, that you are the only girl I like, I love and I will always do. I still do believe it without any single cringe in my body," natawa 'ko. Ni- hindi ko inexpect kailan man na magiging ganito ako ka-corny. Pero alam kong worth it iyon sa taong nasa harap ko.

"From the bottom of my heart, I'll always make sure that you will have the peace of mind every sleep," nginitian ko siya.

"Will you accept my marriage proposal, my girl?" Sinabi ko at ngumiti. Niyakap niya lang ako, at hinalikan.

Pagka-bitaw niya sa halik, narinig na namin ang palakpak ng mga tao, at may mga kumantiyaw pa, kagaya na lang ni Ninong. 

"Kagabi pa 'yan 'di mapakali sa 'you may now kiss the bride'!" Umirap ako at papakyu-hin na sana si Ninong pero tinapik ni Sky ang kamay ko, ng asawa ko. Nasa simbahan nga pala.

Dapat, sa Nueva Ecija gaganapin ang kasal. At dapat mga dalawang taon pa matapos ang pag po-propose ko pero naging isang taon na lang dahil kay Ninong.

Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon