Chapter 10

21 2 9
                                    

Hindi ako makapaniwalang dalawa ang iiyakan ko sa libing.


Ano 'to, Cedric?


Hindi ba ako nagkakamali ng tingin? Huling pagkakaalala ko naman, malinaw pa ang mata ko.


Nawalan ng lakas si Athena sa pag lalakad habang ililibing na sana si Athena dahil sa nakita. Hindi niya inaasahang ganoon, wala sa isip niya iyon at wala sa kinikilos ni Cedric iyon.


"Napaka mapagpanggap," mapait na ngiti niya.


Hindi niya inaakalang gagawin nito iyon, ang lokohin?


"Sabi mo, may emergency sa bahay?" Naibulong niya, iyon kasi ang text ni Cedric sakaniya.


Magkahawak ng kamay ngayon si Abigail at Cedric ng kamay, nakikita niya pa kung paano lambingin ni Cedric ang leeg ni Abigail, nakakadiri iyon para sakaniya.


Ipinagsawalang bahala niya iyon dahil gusto niyang si Athena na lang muna ang pagkaabalahan.


Ilang minuto pa ay nakapunta nang simbahan at ang eksena ng libing ay ikamamatay niya.


Napaluhod siya nang mag lalaglag ng bulaklak, siya ang nag presintang unang gumawa nito.


"Athena, ayaw ko naman ng ganito," hagulgol niya.


Kung pwede lang na magbulag bulagan at isiping buhay pa si Athena, gagawin niya na lang.


Napuno ng katahimikan at tanging ang hagulgol na lamang ang pumapalibot na ingay sa lugar.


"People, let's just accept that my Athena is gone. We all need to be strong for her, okay? As I have said, she'll be frustrated if we cry like this," biglang umiyak ang mommy ni Athena matapos iyong sabihin.


May biglang lalaki na tumakbo at lumapit sa ililibing nang si Athena.


"Athena!" Sabi ng bagong dating.


Bigla na lang itong humagulgol at napaluhod. Nag iwan ito ng pagtataka sakaniya, wala naman siyang kilalang malapit kay Athena na ganiyan ang hitsura.


"Sorry po, pwede na po ulit," ngumiti ang bagong dating at tumayo ng maayos. Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan at mga luhang pilit nang kumakawala sa mga mata niyang mapag panggap.


Mapag panggap dahil mistula pa rin nakangiti kahit bakas ang luha at sakit sa mata.


Maraming kaganapan sa libing kaya naman nang matapos ay sobrang pagod na niya. Lumapit sa kaniya ang lalaki habang wala nang tao, dalawang upuan lamang ang pagitan nila. Nagpaiwan siya dahil gusto niya munang dumoon na lang.


"Ayaw kong maniwala, ikaw ba?" Biglang nagsalita ang lalaki kaya napaangat siya ng tingin upang siguraduhing siya ang kinakausap nito.


"Naniniwala ako, pero ayoko rin sana."


"Si Athena kasi, napaka bait niyan! Lagi niyang tinitignan kung ano ang mabuti para sa iba kahit na masasaktan siya sa magiging desisyon niya," ngumiti ito ng mapait. Nanatili lang ang titig niya sa lalaki, 'sino ba 'to? Bakit parang kilalabg kilala niya si Athena?'


"Ay! Ako nga pala si Jay!" Ngumiti ito sakaniya.


"Ako? Si Joy," tumawa siya. Magkatunog ang pangalan nila.


"Weh? Bakit parang ang lungkot mo naman? Joy ka niyan?" Nawala ang ngiti niya.


"Syempre, wala na ang best friend ko," ngumiti siya ng mapait at may lumusot na luho sa mata niya.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon