Isang gabi ng pag iyak sa kwarto ni Skylar ay mag-isa. Nag titipa sa telepono para mag libang.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pag gamit ng telepono ay nakita niya ang matagal niya nang hinahangaang lalaki na may post na nasa bar.
"Hala, dito yata ako inaya ni Athena ah? dapat pala sumama na lang ako, puro bunganga lang ni mama dito sa bahay. Haayyyy!" nasisinghot pang aniya.
Kelan man sa kaniyang isip ay hindi pumasok ang paglalayas. Mabuting bata si Skylar at lagi niya lang iniintindi ang nakabubuti sa iba-- madalas ay masama para sa sarili niya.
Sa gabi ring iyon ay napag-pasyahan niyang kumawala sa nakakapagod niyang buhay at mag-saya sa isang gabi.
Tumawag siya kay Athena. "Hello? Thena..."
"Wha- Shit! Shitt,aahhh... Wait, Skylar! Awww, Cedric naman. Andito ako?! 'yung damit koo!" Salita ng kaibigan niya sa telepono.
Ay, Cedric daw? Iyan 'yung crush niya, eh.
"Cedric? Halaaa! Hala, uy! Thena. 'Nyare Thena?" Mahina, ngunit kinikilig na sabi rin ni Skyle. Iniisip kung ano ang itsura ni Cedric sa oras na 'yon. At agad siyang kinikilig sa iniisip.
"Teka, Sky, ha? Natapunan ako ng alak, beer pa?! Ang lagkittt!" reklamo ni Athena sakaniya, kaya naman pala ito napa-mura, eh. Malagkit nga naman ang beer.
"Ha? Oh, sige- pupunta nga pala ko r'yan ha?! Heellooo Thena," sabi niya. Hindi siya pinatapos. Binaba.
Siguro ay talagang magulo na ang paligid ni Athena. Siguro ay napindot.
Matagumpay na nakatakas si Skylar sa bahay nila. Suot suot niya ang kanyang puting tshirt at maong na maigsi lang pero ayos na para sa katawan niya. Isa kasi siyang petite na babae.
Nakarating si Skylar na sakay ng Tricycle at hinanap si Athena ngunit agad ding nag-sisi dahil ang kaniyang nakita ay hindi kaaya-aya. Iyon pa nga ang bumungad sa kaniya.
Paano, nakita niya si Cedric. Kaso... May kasama.
"ah, Hi Skyle! My boyfriend, Cedric." Si Abigail.
Tumango siya. "A-huh? Boyfriend?" walang pake, ngunit iritadang sagot niya.
Eh, papaano, nag hahalikan nang madatnan niya!
"Oo, ayaw mo?" Sabi nito. Baka mapa-trouble siya, warfreak itong si Abigail, ha. "Hahaha. Kidding, why are you here nga pala?"
Grabe naman maka-tanong ang isang 'to! Para bang siya lang ang pu-pwedeng mag-bar at hindi si Skylar?
"Oh baket, pag-aari mo na ba 'yung bar ngayon?" Syempre, si Athena. Hindi ganiyan sumagot si Skylar. Hindi pa niya nasusubukan kahit kailan at mukha rin namang hindi niya kaya.

BINABASA MO ANG
Depression (Completed)
Teen FictionAno nga ba ang saluobin ng isang babaeng iniwanan ng kasiyahan at tinalikuran ng kaliwanagan? Samahan si Skylar Joy Marina, siya ang babaeng masaya ang pangalan ngunit kalungkutan ang mayroon sa kalooban. Gabi gabing maraming dahilan, para iyakan. W...