Chapter 3

50 4 18
                                    

Kasalukuyang gumagawa kami ngayon ng ipapasa sa Gen Math. Inaamin niyang hindi talaga siya magaling sa Math kaya kailangan niya ng tulong ni Athena pagdating sa ganitong bagay. 


Magaling mag-drawing at magaling din sa math si Athena. nag-taka nga siya kung bakit siya sinundan nito ng course. Architect ang alam niyang pangarap ni Athena, eh. siya ang may gusto ng CPA. Simple lang kasi ang gusto niya, hindi siya kagaya ng iba na magagarbo ang nais na trabaho sa hinaharap. Katwiran niya'y mahihirapan lang siya. Pero inaamin niya naman na pinangarap niya ring maging abogado pero sadiyang wala rin siyang pera at alam niyang hindi iyon pag-gagastusan ng magulang niya. Ang corny, 'di ba? hindi naman kasi sila mahirap pero scholar siya dahil ayaw siya paaralin ng magulang niya, iyong baon niya nga ay 70 lang. 40 na ang pamasahe, may projects at kailangan pa kumain. Madalas siya ilibre ni Athena sa pagkain kaya ang natitirang trenta ay pinapang project niya na lang.


Nag-eexplain ngayon sakaniya si Athena dahil hindi niya makuha iyong x x and y y. mas maaatim niya pa na mag research hanggang chapter 4 ng isang linggo lang kesa mag basa ng isang libro ng math at i-explain pag-katapos, baka duguin siya roon, 'no!


"Ano, na-gets mo?" Baling sakaniya ni Athena galing sa mahaba habang pag eexplain. Umiling siya, napabuntong hininga ang kaibigan niya. Eh, sa hindi niya talaga makuha, eh?


"Ganito na lang, kopyahan mo na lang ako. Tatagal pa, eh," Sabi ni Athena. Napa-isip pa siya rito dahil nakaka-hiya naman.


Ah, sige, "Ako na lang gagawa ng thesis mo. Chapter 2 ka na?"


Napa-isip si Athena bigla sa tanong niya. halatang hindi pinapag-tuunan ng pansin ang thesis, eh. "Hmm. Oo?"


"Ano ba 'yan? Pa-tanong pa... I-sure mo nga! dapat kasi nag architechture ka na lang." 


"Ayaw mo ba 'ko kasama, ha?" Pumamewang pang tanong ni Athena.


"Hoy, hindi ah, Iniisip kita! nahihirapan ka tuloy sa Thesis dahil hindi mo naman hilig ang pag CPA?" Dumeretso naman ng tayo si Athena.


"Eh, basta, may math din naman dito ah? Less lang sa drawing at more on english pero kaya ko, 'no," napa-ngiti naman siya. Ayaw kasi siya nitong iwan, eh.


"Pero bakit? Sabi mo dati gusto mo maging Architect?" Halukay niya sa noon pa'ng topic. Hobby niya na iyon, eh. Ang balikan ang nakaraan.


"Basta, I have my reasons," Malumanay at malungkot na sabi ng kaibigan niya at hindi siya kumportable roon. Alam niya kasing natural ang english ni Athena dahil mayaman pero tuwing seryoso lang ito nag-gaganun.


Tumango na lang siya at uminom ng nakahandang Grape Juice, paborito iyon ni Athena. si Athena naman ay umupo na sa Sofa. 


Nag-taka siya sa sinasabing reason ni Athena pero hindi naman niya ugaling man-usisa kaya hindi na lang muna niya iyon inintindi.


"Hoy, ubos na 'yung iniinom mo naka-nganga ka pa rin sa baso. Hindi 'yan magic na baso, ha," sabi ni Athena ng maramdaman na lutang siya. Umalis naman ng pa-irap si Athena at binigay ang laptop sakaniya pag-balik. Sinulat niya roon ang thesis ni Athena. Meron na naman siya, eh. 


Nasa tabi niya ang Cellphone ng bigla itong tumunog. Ang instagram account niya, may nag DM. Papaano may IG story siya na nag lalakad. Paa at daan lang ang kita.


cmandate: Wow, you have a nice pair of W2s.


nag-reply naman siya.


skyleeem: Oh?


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon