Chapter 5

24 3 0
                                    

"Pina-ospital daw kaninang mga alas sais pasado." Sinabi ng kuya niya at nanlamig ang katawan niya rito.


"Ha? Bakit, napaano siya?" Mahinahon ngunit sobra na siyang kinakabahan at hindi na alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.


Sa isip isip niya ay kaya naman pala malata at maputla si Athena. Hindi kaya may sakit ito?


"Hindi ko alam," mahinang sabi ng kuya niya. Buti pala ay kuya niya ang naka sagot ng tawag kaya nahatid sakaniya ang balita.


"Saan naka-admit? Conscious naman?" Tuloy tuloy na tanong niya dahil hindi na talaga siya mapakali.


"Hindi ko alam, eh," tanging sagot ng kuya niya. Alam niyang hindi siya papayagan pero nag baka sakali siya at mag papaalam.


Dala niya ang kaba para sa lagay ni Athena kapareho ng kaba niya sa pagpapaalam noong nag lalakad na siya sa hallway ng taas ng bahay nila.


Naka-pikit siya ng mariin noong kumatok at unti-unti niyang binukas ang kaliwang mata. Hindi niya alam na nagtataka na ang papa niya noong pag-buksan siya kaya napaayos siya ng tayo noong masilayan si papa niya.


"Eh... Hi 'Pa!" patay malisyang bati niya. Hindi siya inimik nito at naka-silay lang sa mukha nito ang pagka-taka. Ngumiti naman siya ng maasim. "Pa... pwede ko po bang puntahan 'yung kaibigan ko? Na-ospital po..."


Tumango lang ang papa niya na hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya o ikakalungkot niya? Hindi naman kasi siya iniimik ng papa niya. Hindi niya na nga maalala ang boses ng papa niya, eh. Seryoso 'yon, ah?


Patakbo siyang bumababa ng hagdanan ng makita niya ang mama niya na nakapamewang at naka-tingin sakaniya. Unti-unting bumagal ang pag-baba niya ng hagdanan dahil kinabahan na naman tuloy siya.


"Oh, saan ang tungo mo?" Sabi ng mama niya na akala mo naman ay may pake sakanya. Napa yuko lang siya at nag kutkot ng kuko niya.


"Sa ospital, 'Ma," sabi niya. Puro siya pag babaka-sakali sa oras na iyon.


"Bakit? Anong gagawin mo ro'n?"


"Naka-admit si Thena." Sabi niya at naka-yuko pa rin kaya hindi niya nakikita ang itsura ng mama niya.


"Bakit mo pupuntahan? Gabi na! kaya niya na 'yon! May pamilya 'yon!" talak ng mama niya. Oo nga naman, may pamilya si Thena at hindi naman siya iyon na sa oras na ma-ospital ay siguro pababayaan lang.


"Okay," simple niyang sagot at nag martsa na pabalik ng kwarto niya. Napaiyak siya sa halo-halong emosyon. Awa sa sarili at pag-aalala kay Athena.


Mga ilang minuto na siyang umiiyak, naka upo at nakatanaw sa bintana mula sa kama niya. Nang biglang tumunog ang cellphone niyana nandoon pa pala sa long sleeves niya. Naka sando na lang siya, eh.


Unknown Number ang naroon kaya hindi niya na sana sasagutin pero napindot niyaang green na button.


"Hello?" pauna niya nang salita, kagat niya ang labi pagkatapos para iwasanghumikbi dahil katatapos lang niya nga sa pag iyak.


"Umiiyak ka ba?" sabbi ng isang pamilyar na boses. Hindi siya sumagot dahil kinikilala niya kung kanino itong boses. Pamilyar naman kasi talaga.


napa-iling pa siya ng mapag tanto kung kaninong boses iyon.


"'di ah, sino 'to?" Patay malisya na sabi niya kahit alam niya naman talaga kung kaninong boses iyong nasa telepono.


Depression (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon