"Ano, Cedric, hindi ka ba titigil sa kaka-sunod?" Singhal ni Athena sa naka sunod na si Cedric sa kanila.
Papaano, kanina pa ito sumusunod sa kanila. Napag-alaman kasi ni Cedric na may gusto si Skylar sa kaniya, kaya ayan. Sige lang sa pangungulit, akala yata ay may mapapala siya.
"Si Skylar ang mapapahamak sa 'yo niyan, eh!"
"Why? I just wanted us..." Sabi nito na ikinalaki ng mata niya, "to be friends."
Mabuti nang malinaw! Hindi niya na ito gusto matapos ang nasaksihan niya sa bar, eh.
"Ano bang trip mo, ha?! Kung mag hahanap ka naman ng flings, iyon sanang malapit sa katotohanan!" talak ni Athena. Ayaw kasing magpa-awat ni Cedric.
"Tara, Thena." yakag niya na lang dito, hindi rin kasi papa-awat ang kaibigan niya at alam niya na iyon sa tagal ba naman nilang mag kaibigan ay kabisado niya na ito.
At iyon, umalis na sila at habol na lang ang tingin ni Cedric sa kanila.
"Umamin ka nga sa 'kin. Bakit ka kinulit no'ng bakulaw na 'yon? Hindi naman sa imposible, pero feel ko meron."
Paktay! Paano niya naman idedeny iyon kay Athena? Malayo sa katotohanan na mai-deny niya. Hindi rin naman kasi siya magaling mag sinungaling at hindi niya rin naman gustong pag sinungalingan ang kaibigan niya. Kaibigan niya iyon, eh. Si Athena iyon.
"Uh, kasi..." Panimula niya. Eh, sa hindi niya talaga alam kung paano. "'Di ba? Crush ko naman talaga 'yan. Nai-chika yata ng mean girls?"
Paliwanag niya pa. At nag dugtong. "Sorry?"
Pa-tanong ngunit nakikiramdam na aniya, paano. Nakaka-kaba naman talaga itong si Athena.
"Hmp! Oh, sige," ngiti lang nito. Napa-ngiti rin naman siya.
Pakiramdam niya naman ay pilit siya nitong iniintindi. Dahil sa kalagayan? Alam naman ni Athena iyon.
"Tara."Papasok na yata sila sa klase, eh.
Lumakad sila paroon sa klase nila, oral communication. Nasa 4th year college sila at 19 years old.
"Hmm, Sky," kuha ni Athena ng atensyon ni Skylar. Sinisiko pa nito nang bahagya si Skylar.
"Ano?" Antok na sambit ni Skylar. Nga pala ay nag bar sila kagabi ngayon tuloy ay pilit siyang nag eeffort para lang manatiling gising. Sumusuko na ang mga talukap ng mata niya.
"Naalala mo ba 'yung..." Pinutol niya ang sasabihin at bahagyang ngumiti. "Condo na bigay sakin ni Mommy?"
"Oo, anong meron?" bored na sagot niya rito at nag tanong din. Kasulukuyang nakayuko pa rin at ngumunguya ng bubblegum na tig-dodos.
BINABASA MO ANG
Depression (Completed)
Novela JuvenilAno nga ba ang saluobin ng isang babaeng iniwanan ng kasiyahan at tinalikuran ng kaliwanagan? Samahan si Skylar Joy Marina, siya ang babaeng masaya ang pangalan ngunit kalungkutan ang mayroon sa kalooban. Gabi gabing maraming dahilan, para iyakan. W...