ADI's POV
WTH?!
S-si Ace yung bumaba sa chopper.... Ilang bese pa akong kumurap kurap dahil baka hindi totoo ang nakikita ko at namamalikmata lang. Rinig na rinig ko naman yung bulungan nang mga kasama namin.
Nagsimula syang maglakad at parang naging slow-motion yun, maya maya lang ay nasa harap ko na sya na lalo namang ikinagulat nang lahat pati na rin ako.
"Bro akala ko ba hindi ka sasama, tsk sana sinabi mo na lang na mag-ga-grand entrance ka pala" lumapit sa kanya si Gab at Marco, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon at gusto ko man syang talikuran ay hindi ko magawa dahil centre of attraction kami ngayon.
"First reunion natin eh and isa pa..." hinigit nya ako, nagtaasan yung mga balahibo ko nang hawakan nya yung bewang ko "My wife is here" gulat na gulat ang lahat nang kasama namin pwera na lang kila Mika, Marco at Gab na may alam naman na.
"Tsk tsk tsk, tara na nga sa loob baka matusta pa tayo dine" aya ni Gab at tsaka naunang naglakad, sumunod naman yung iba at tinignan pa ako ni Mika na parang nag-aalala pero sinenyasan ko lang sya na susunod ako, sinadya naming dalawa ni Ace na magpaiwan.
Nang ala na yung mga kasama namin ay pilit akong kumalawa mula sa pagkakahawak nya sa akin "Ano ba. Bitawan mo nga ako!" pinilit kong tangalin yung kamay nyang nakapalupot sa bewang ko pero lalo nya lang hinigpitan yung pagkakawak sa akin.
Binitiwan nya yung bewang ko atsaka nya ako iniharap sa kanya"Bakit hindi ka nagpaalam" madiing tanong nya sa akin, hindi ko makita ang mata nya at ganun din sya sa akin dahil pareho kaming naka-suot nang sunglasses.
"Bakit ako magpapaalam? Wala ka namang pakialam sa akin di ba?" hindi ko alam kung saan nang-gagaling ang pagiging sarkatiko ko at napansin ko din na parang natigilan din sya nang dahil sa isinagot ko.
"What?! You're my wife--" pinutol ko yung sasabihin nya.
"Exactly, I am 'just' you're wife" hindi sya nakasagot at tila ba nabato pa sa kinatatayuan nya, hindi ko sya pinansin atsaka ko sya tinalikuran.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang naging ganun sa harap nya siguro ay masama lang talaga ang loob ko na imbes na maging msaya na pinuntahan nya ako dito ay mas lalo akong nagalit dahil kaya nga ako pumunta dito para hindi ko sya maalala at para magkaroon ng peace of mind tapos bigla syang magpapakita, tapos bigla nyang sasabihing nandito sya para sa akin! Tsh kalokohan!
Pagpasok ko sa loob sy nandoon silang lahat nag-hihintay, agad namang lumapit sa akin si Mika at sumunod naman sa kanya yung mga kasama namin.
"Oh nasan na si Ace?" takang tanong ni Marco nang makalapit sa akin.
"Naiwan dun, duon nya ata gustong mag- sunbathing kasama yung chopper nya" sarkastikong sagot ko sa kanya, halata naman na ikinagulat nila yun, hindi ko na yun pinansin at nauna nang naglakad sa kanila papuntang exit.
Nauna ako sa labas at hinintay ko sila sa lounge nung airport, naunang lumabas si Mika kasunod nung iba pa, agad naman syang lumapit sa akin "Ano? Anong nangyari" napasinghal lang ako sa tanong nya dahil naiinis ako sa lalaking yun!
"Tsh ginagago ata ako eh"
"Ha?"
Hindi na kami nakapag-usap dahil agad na tumabi sa amin sila Marco, Gab at pati na rin 'sya', kaya naman medyo naging awkward dahil alam kong alam nila kung anong nangyayari sa amin ni Ace.
Magkakasama kaming lima ngayon dito sa table at walang ni isang nagsasalita, maski si Mika ay hindi makapag-salita dahil masyadong tahimik ang lahat, pare-pareho kaming nakatingin sa mga pagkain namin, kumain lang ako nang hindi ko sya pinapansin dahil katapat ko sya naka-upo.
BINABASA MO ANG
Untitled Love
RomanceUNTITLED LOVE by cutenixA A Tagalog-English story. Adi was a nerd and she was the legendary nobody when she was in high school but like every girl, she also has a guy that she likes, Ace, her ultimate crush but he's in love with his girlfriend so sh...