CHAPTER 1

436 19 0
                                    

AMARA ADIRA's POV

"Ohhh Fvck Ace!"

"Ugh!"

"Harder babe! Harder! ugh! ohh!"

Pinunsan ko yung mga luha ko na naglandas sa mga pisngi ko, gusto kong kaawaan ang sarili ko dahil sa ginagawa sa akin ng sarili kong ASAWA. Para akong pinapahirapan bago bitayin. Araw araw iba ibang babae, Araw araw nadadagdagan yung sakit na nararamdaman ko.

Pinunasan ko na yung mga luha ko at lumabas na ng kwarto ko pero mali ata ang ginawa ko dahil lalo ko lang narinig yung ungol nya at nung babae nya.

Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko pero agad ko iyong pinigilan at nagmamadaling pumunta ng kusina umaasa ako na hindi ko na maririnig yung mga ungol nila.

"Adi" pagtawag ni Manang sa palayaw ko pagpasok ko pa lang ng kusina "Ayos ka lang ba?" hindi ko sya tinignan at nanatili lang na nakayuko habang nagpipigil ng mga luha ko, gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang ako ngunit isang malaking kasinungalingan yun. Naramdaman ko na lumapit sya sa akin atsaka ako niyakap at dun na nagsimulang tumulo yung mga luha ko.

"Bakit hindi ako masanay? Araw araw naman nyang ginagawa yan pero bakit araw araw din nadadagdagan yung sakit na nararamdaman ko" halos maibulong ko na lang yun dahil nagpipigil akong humikbi sa harap ni Manang, sya yung tumayong parang Nanay ko na simula nung tumira ako dito sa bahay ni Ace.

'Jaired Acer Crawford' ang kaisa-isang lalaking nagustuhan at minahal ko ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko.

"Kahit kailan hindi ka masasanay dahil nandito na sya" itinuro nya ang dibdib ko "Naging malaking parte na sya ng puso mo" lalo akong napaiyak ng dahil sa sinabi nya. Inalalayan ako ni Manang na maupo at inutusan nya yung isang kasam-bahay na kumuha ng tubig.

"Tumahan ka na iha" pag-aalo sa akin ni Manang, naitakip ko yung dalawang kamay sa muka ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung may araw ba na lumipas na hindi ako umiyak ng dahil sa kanya.

Nagpunas ako ng luha at dahan dahan kong hinarap si Manang "Salamat talaga Manang" buong puso kong pagpapasalamat sa kanya dahil sya palagi yung nandyan sa mga panahon na kailangan ko ng karamay at masasandalan tuwing sinasaktan ako ng asawa ko.

Nang medyo mahimasmasan na ako ay tumayo na ako at si Manang naman ay bumalik na sa ginagawa nya, pumasok ako sa kitchen para makapag-luto ng pagkain dahil malapit na din mag-dilim.

I've been living with Ace for about 2 years now, Oo dalawang taon na kaming kasal at sa loob ng dalawang taon na yun ay hindi pa rin ako nasasanay at hindi pa din sya nagbabago, minsan may inuuwing babae dito kadalasan ay nasa office at bar minsan ay hindi na sya umuuwi at sa Condo na sya nag-i-stay. Puro lungkot at sakit ang naramdaman at naranasan ko sa loob ng dalawang taon na kasal kami at nagsasama sa isang bubong. Hindi kami tulad ng ibang mag-asawa na puno ng lambingan at pagmamahalan because this is just a one sided love. Pag naguusap kami ay binabalewala nya lang ako, kadalasan ay napaka lamig ng pakikipag-usap nya sa akin at pag mainit ang ulo nya ay palagi nya akong sinisigawan na nakasanayan ko na din naman throughout the years. Madalas ay nasa trabaho sya even weekend and holidays, ako naman ay nasa bahay lang, nakapag-tapos ako ng culinary arts dahil hilig ko na talaga nuon pa man ang pagluluto, pangarap ko din na makapagpa-tayo ng sarili kong restaurant pero ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay naisantabi ko na pati pangarap ko at hindi lang naman yun ang rason kung bakit. 

Naglabas na ako ng mga gulay sa Ref at sinimulan ko na yung hugasan at patiktikan.

Simula nung naghiwalay ang parents ko ay ala na akong nabalitaan tungkol kay Mama maging sa Lolo at Lola ko sa side ng Mama ko ay ala na din akong balita, after the divorce ay nagkaroon ng deal si Papa sa mga magulang ni Ace para sa kumpanyang ipinatayo nya na hanggang ngayon ay nakatayo pa din, bukod sa kumpanya ng pamilya ni Ace ay madalas ko ding nakikita ang kumpanya ni Papa sa balita at base sa mga nakikita ko ay maganda naman ang takbo ng buhay ni Papa, pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung magiging masaya ba ako o magagalit.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon