CHAPTER 9

255 15 1
                                    

ADI's POV

Sobrang lakas ng tama nung alak na nainom ko pero hindi pa din nun nalisan yung sakit na nararamdaman ko.

"Adi" nakiki-usap na tawag ni Mika sa akin.

"Mika, my decision is final! Hanggat hindi nya ako iniiwan ay hindi ko sya iiwan!" sigaw ko sa kanya.

"Adi please..."

"Mika, gusto ko munang mapag-isa" mahing sabi ko na sapat lang para marinig nya.

Narinig ko ang mga yabag nya pero hindi ko sya nilingon hanggang sa narinig kong sumara yung pinto.

Sunod-sunod na naman na tumulo yung mga luha ko, ipinatong ko yung muka ko sa tuhod ko at duon umiyak ng umiyak.

Kung alam ko lang na sasama ka Ace hindi na lang sana ako sumama baka sakaling hindi ako masaktan ng ganito katindin.

Hindi ko pa din mainitindihan ang sarili ko kung bakit hindi pa din ako nasasanay sa sakit na pinararamdam nya sa akin.

Paulit ulit ko na lang tinatanong ang sarili ko kung bakit hindi ako nasasanay, kung bakit hindi ko pa din matanggap na wala kaming pag-asa.

Alam kong hindi nya ako mahal pero umaasa pa din ako.

Bakit ba ang tanga tanga ko?!

Bakit ba lahat na lang ng importanteng tao sa buhay ko ay gusto akong iwan!

Kailan ba ako magiging masaya? Baka talagang nakatadahana ang buhay ko na maging miserable.

 Napalingon ako sa kama ng marinig kong mag-ring yung cellphone ko.

Tumayo ako at napahawak pa ako sa lamesa dahil muntik na akong mawalan ng balanse.

-----Unknown Caller-----

Sinagot ko iyon.

"Hello?" 

"Hello?" ulit ko ng walang sumagot.

Naghintay ako ng sagot pero wala talaga.

"Hello?" muling ulit ko at medyo nilakasan ko na din ang boses ko "Kung walang sasagot ay papatayin ko na" muling sabi ko ngunit wala pa ding sumagot kaya naman pinatay ko na yun.

Tsh sino naman kaya yung tumawag na yun?!

Huminga ako ng malalim at hinyaan ko ang katawan ko na bumagsak sa kama.

Ilang oras akong nagtagal sa ganung posisyon bago ako bumangon. Kinuha ko yung maleta ko, nilagay ko na yung mga gamit kong nakakalat.

Nang maiayos ko yun ay lumabas na ako ng kwarto dala-dala yung mga gamit ko. 

Pagka-baba ko ay dumeretso agad ako sa reception, kumuha ako ng ibang kwarto dahil hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si Mika at paniguradong pipilitin nya lang ako na hiwalayan si Ace.

Naiintindihan ko naman sya at alam ko din na ayaw nya akong nakikitang nasasaktan pero hindi ko kayang bitiwan si Ace.

Tanga na kung tanga pero hindi ko talaga kaya.

Sa second floor lang ang kwarto ko, kinuha ko yung may view ng beach sa labas dahil nakaka-relax na tignan yun.

Maayos naman ang kwarto na toh. VIP ang kwarto naming lahat at sa pinaka-taas yun ng hotel. Itong kwarto na toh ay yung normal na kwarto lang talaga pero maayos at maganda naman.

Isang full xl size bed, may cabinet, sariling cooler, magkahiwalay ang toilet at bathroom, may table, sofa, T.V at balcony.

Ipinatong ko sa kama ang maleta ko at naglabas ako ng pamalit ko na damit. Naglabas ako ng oversize na t-shirt at cotton shorts, nagitla pa ako ng kumulog.

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon