ADI's POV
Nang makalabas si Ace ng kwarto ko ay kinuha ko ang cellphone ko atsaka ko yun ini-On.
Pagka-bukas na pag-kabukas ko pa lang ng cellphone ko ay sunod-sunod na yung naging notification ko.
Theres tons of calls and messages...
From Mika and from Ace's Mom.
Huminga ako ng malalim tsaka ko tinawagan yung Mommy ni Ace.
Naka ilang ring lang yun bago nya nasagot yung tawag.
"Hello Adi?" halata na agad sa boses nya ang pag-aalala.
"Hi Mom" pinilit kong pasayahin ang boses ko para naman kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala nya sa akin.
"Iha, ayos ka lang ba? I know you saw the news, don't worry it'll not happen again tinawagan ko na lahat ng network dito sa bansa at sinabihan ko na sila na tigilan na ang pag-babalita tungkol sa mga magulang mo"
"Thank you Mom"
That's Ace's Mom. Simula ng makasal kami ni Ace ay parang tinuring nya na din ako na anak. His Mom is sweet and caring not like him.
Kahit na gaano kasama sa akin ang asawa ko ay ganun naman kabait sa akin ang mga magulang nya.
They love me as their own pero hindi pa din mapapantayan ng pagmamahal nila yung pagmamahal sa akin ni Mama at Papa dati, sa tingin ko ay wala na yun ngayon.
Sa TV ko na lang nakikita si Papa and he looks si happy, si Mama naman ay hindi ko alam kung nasaan.
Pwedeng pwede kong puntahan si Papa anytime but i chose not to dahil kung may pakialam sya sa akin ay sya mismo ang pupunta sa akin.
Sawang sawa na akong masaktan kaya naman takot din akong sumubok dahil palagi kong iniisip na masasaktan lang ako.
My life without my parents is so different.
Ayos lang sana kung mag-hihiwalay lang sila pero pati ako ay pinabayaan nila. I just want them to be here by my side whenever i need them.
Nakakapanghinayang na naging ganito ang buhay ko. Araw araw kong iniisip at tinatanong kung ano bang naging kasalanan ko para parusan ako ng ganito.
Ilang oras pa kami nag-usap ni Mom at nung late na ay ako na ang nag-paalam dahil ayaw kong maka-abala sa pag-papahinga nya.
After the call ay napag-desisyunan ko nang mag-shower.
Pag-pasok sa banyo ay agad na sumalubong sa akin yung salamin kaya naman nakita ko ang sarili ko dun.
I look miserable!
So miserable!
Namamaga at namumula ang mga mata ko, my nose is red.
Tss! Bakit ba ako iyak ng iyak eh wala naman akong napapala sa kakaiyak, pumapanget lang ako.
Huminga ako ng malalim atsaka nag-iwas ng tingin sa salamin.
I took a quick shower pag-kayari ay nag-palit na ako ng pan-tulog ko.
Nang mapa-tuyo ko ang buhok ko ay pinatay ko na lahat ng ilaw at nahiga na ako. I tried sleeping but i can't.
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ko na dalawin ako ng antok pero hindi talaga ako maka-tulog!
Hindi pa ba pagod yung mga mata ko kanina kakaiyak?!
Hayst! Sleep is my only way escaping in this world full of pain pero mukang pati sa panaginip ko ay tinataboy na ako!
BINABASA MO ANG
Untitled Love
RomanceUNTITLED LOVE by cutenixA A Tagalog-English story. Adi was a nerd and she was the legendary nobody when she was in high school but like every girl, she also has a guy that she likes, Ace, her ultimate crush but he's in love with his girlfriend so sh...