CHAPTER 24

410 17 0
                                    

ADI's POV

"I can just cancel it"

"No, hindi pwede"

Kanina pa kami nag-tatalo ni Ace, ayaw nya kasing umalis sa tabi ko dahil nag-aalala daw sya. Ang OA netong lalaki na toh, nasampal lang naman ako, hindi naman ako nabalian ng buto o ano.

"But baby--"

"Ace, hindi nga pwede, importante ang meeting mo"

Bumuntong hininga sya "Okay fine" napipilitan na sabi nya.

I smiled at him "Go now"

"Parang itnataboy mo naman ako" naka-ngusong sabi nya na ikinatawa ko naman "Stop laughing, you're husband is hurt" sabi nya tapos humawak pa sya sa dibdib nya at umakto ba parang nasasaktan na lalo ko namang ikinatawa.

"C'mon Ace, baka ma-late ka sa meeting mo"

Tumayo na sya ng tuwid atsaka sya humalik sa labi ko ng mabilis at nag-paalam bago umalis.

Naka-tingin ako sa pinto ng opisisna ko kung san sya lumabas. Nag-bago na talaga sya at natutuwa ako pero nandito pa din yung takot dahil hindi malayong mangyari na bumalik sya sa dating sya.

Ipinag-patuloy ko na ang trabaho ko.

Mahigit dalawang oras din ang lumipas bago bumalik dito si Ace.

"Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya ng maka-balik sya. Hindi ko naman kasi inaasahan na babalik sya kaagad.

"Tapos na" sagot nya sa akin ng ikinakunot ng noo ko, bakit ang bilis nya naman yata "I did it during the meeting, nakikinig ako habang binabasa ko yung mga dokumento na kailangan kong pirmahan" paliwanag nya sa akin.

Hindi ko na lang sya pinansin at nag-patuloy na lang ako sa gingawa ko dahil kakaunti pa lang ang natatapos ko na trabaho, pagkatapos neto ay kailangan ko pang i-check yung ginawang report ng finance department.

"Baby, can you stand up for a moment"

Kahit na nag-tataka ako ay tumayo pa din ako. Mag-rereklamo na sana ako ng umupo sya sa upuan ko pero nagulat ako ng hilahin nya ako paupo sa hita nya.

"A-Anong ginagawa mo Ace?"

"Continue what your doing, wife"

Paano ko maipag-papatuloy ang ginagawa ko kung naka-upo ako sa hita nya? This is a distraction!

Sinubukan kong i-focus ang atensyon ko sa binabasa kong dokumento pero paano?!

Nahinto ang pag-hinga ko ng isandal nya ako sa dibdib nya.

"A-Ace"

"Sasakit ang likod mo kung ganon ang pwesto mo" malambing na sabi nya sa akin.

"Baka may m-makakita sa atin"

"So?"

Umalis ako sa pag-kakasandal at pati na din sa pagkaka-upo ko sa kanya "Were at work and we should be professional" seryosong sabi ko sa kanya pero nagwawala pa din ang puso ko.

"Then let's go home" aya nya.

"It's still too early Ace, may mga kailangan pa akong tapusin"

"Ok, then let me stay here with you"

Hindi ko na lang sya sinagot at nag-lakad ako papunta dun sa upuan na kaharap lang ng inuupuan nya ngayon.

Nakita ko na tatayo na sana sya at dahil sa takot ko na baka gawin nya na naman yung ginawa nya kanina lang pero agad akong nag-salita para pigilan sya "Don't even dare Ace, let me finish all my work"

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon