CHAPTER 2

311 15 0
                                    

ADI's POV

Agad akong napatingin sa orasan ng magmulat ako ng mga mata ko.

.4:00 AM.

Bumangon na ako, kumuha ako ng tubig sa bed side table, iinumin ko na sana yun nang maalala ko yung ginawa ni Ace sa kusina kagabi huminga ako ng malalim atsaka ininum yung tubig.

Pumasok na ako ng banyo at nagsimula ng gawin yung mga nakagawian ko, naghilamos muna ako bago magsipilyo pagkayari ay naglagay ako ng moisturiser cream sa muka ko, pagkayari nun ay isinuot ko na yung contact lense ko atska lumabas.

Kumuha ako ng isang pares ng leggings at sports bra, nagsuot din ako ng jacket pero hindi ko na sinara yung zipper nun, atsaka kinuha yung running shoes ko atsaka ko itinali pataas yung buhok ko para hindi maging sagabal, mag-ja-jogging muna ako dahil masyado pa namang maaga para magluto lalamig lang yung lulutuin ko. Kinuha ko yung headset at cellphone ko bago lumabas ng kwarto, pumunta ako ng kusina at sinalinan ng tubig yung tumbler ko.

Nagsimula na akong tumakbo, medyo madilim pa dahil panigurado mamaya-maya pa sisikat yung araw ayos na din yung madilim para hindi masyadong mainit. Tumakbo ako papunta sa park na nasa loob ng village atsaka ko inukot yun ng mga ilang beses, hindi naman ako ganun kadaling mapagod kaya naman hindi ako pinawisan at hiningal ka-agad.

 Nagpahinga ako sa isang bench na nadito sa gilid, kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung anong oras na, mahigit isa't kalahating oras na din akong tumatakbo, nagpahinga lang ako panandalian dito at tsaka tumayo at nagsimula na ulit akong tumakbo pa-uwi.

Tanaw ko na yung bahay at nakita ko din na may babaeng lumabas dun, mukang hindi naman na sya yung babaeng nakasagutan ko kahapon. Hindi ko na din sya naabutan dahil sumakay na sya sa taxi.

Agad naman akong pinag-buksan nung guard namin ng gate. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sakto naman na pababa si Ace kaya naman napahinto ako sa kinatatayuan ko. Ayun na naman yung walang kwentang tingin nya sa akin, nailang ako ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa atsaka huminto yung paningin nya sa dibdib ko kaya naman napatingin din ako dun, pagbaba ko ng tingin nanlaki yung mata ko.

He's staring at my CLEAVAGE!

Agad ko naman yung tinakpan gamit yung jacket na suot suot ko kaya naman agad din syang napatingin sa kawalan "A-ahh gutom ka na b-ba? H-hindi pa ako n-nakakapagluto" ayts bat ba nauutal ako! kainis naman.

Tinanguan nya lang ako atsaka nagtuloy na sa paglalakad papunta sa living room. Umakyat naman ako sa kwarto ko, nagpatong na lang ako ng loose shirt atsaka bumaba, nadaanan ko pa si Ace na abala sa pagbabasa ng dyaryo.

Pag-pasok ko sa kusina ay naabutan ko naman dun si Manang "Oh Adi san ka galing?" 

"Nag-jogging lang Manang, maaga po kasi akong nagising" nakangiti akong lumapit sa kanya.

"Tamang tama lang ang dating mo iha, magluluto na nga sana ako eh. O sya sige maiwan na muna kita jan" tinanguan ko lang sya.

Dumeretso ako sa ref para maglabas ng mga kailangan kong ingredients, napansin ko din na paubos na yung laman ng ref namin. Habang naglalabas ako ng mga kailangan ko ay napadaan si Nelia, yung isa sa mga kasambahay namin "Nelia namalengke naba kayo ngayong linggo?" 

Untitled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon